Chapter Twenty Two

673 26 6
                                    

"JUSTIN wake up..." Ginising ko si Justin from his sleep.

"Kumain ka na muna para makainom ka rin ng gamot." Iminulat na niya ang kanyang mata kaya naman inalalayan ko siya paupo.


By just touching his hand, ramdam mo ang init ng katawan niya.

I checked his temperature earlier at umabot iyon ng 38°c.


"Ubusin mo lahat 'yan."  After kong mapakain at mapainom si Justin ng gamot, pinatulog ko na ulit siya.

Bumalik na ako sa kusina to clean the mess I did.

Linibang ko muna ang sarili ko by watching movie sa netflix. An hour later, bumalik ako sa kwarto ni Justin to see if he's okay at may dala rin akong prutas just in case na gising na siya. Pero nairita lang ako ng makitang naglalaro na siya sa phone niya.


Busy siya masyado sa paglalaro kaya hindi niya napansin na nakapasok na ako sa kwarto niya.



"No!" Napasigaw si Justin nang kinuha ko ang phone niya.



"Pokemon na naman?" Tanong ko nang makita kung anong nilalaro niya.


I was expecting something like mobile legends pero pokemon yung nilalaro niya!


"I was about to caught Zigzagoon!" Reklamo niya.


"Wala akong pakialam kung si Zigzagoon or any legendary pa 'yan. Magpahinga ka, hindi yung naglalaro ka!" Sagot ko naman.


"Kanina pa ako natutulog simula kanina na wala ka pa. I just want to play!" Ganito ba siya kapag nagkakasakit? For a 22 year-old man like him, ang tigas ng ulo niya!



"Kung ayaw mo matulog, kainin mo itong prutas." I showed him the tangerine that I already peeled.


"I don't like fruits." Iniwas niya ang tingin sa prutas na hawak ko.


"You what? Do you know how much I love fruits? Especially tangerines. Nakaka turn-off naman na ayaw ng manliligaw ko ang prutas." Biro ko but that only made him eat the fruit na hawak ko.


"Kaya siguro ang bilis mo magkasakit kasi hindi ka kumakain ng prutas." Naupo ako sa tabi niya. Napatawa ako sa itsura niya habang nginunguya iyong prutas.


Again, for a 22 year-old man like him, ang arte niya.


"After I eat this, can I play?" He asked for my permission and who am I to say no? Besides, he looks fine naman na.


I once again checked his temperature at bumaba na ito.


"Mukhang okay ka naman na, I think I should go home." Napatigil siya sa paglalaro when he heard what I said.


"Can you just stay?" He asked. I checked the time. 7pm pa naman and wala pa si Josh.


"No, she can't." Napalingon kami ni Justin sa may pinto at nakita si Kuya with Josh.


"Sige na, Sam. Umuwi ka na. Nandito naman na ako kaya may kasama ni si Justin. Salamat, ah." Napasimangot si Justin at nanahimik nalang. Nandito kasi si Kuya kaya hindi makareklamo.


"Let' go, Sam." Sumunod na ako kay Kuya but before we went out of the room, Justin said thanks.



"You're welcome." I said. "Josh patulugin mo na nga 'yan. Kanina pa 'yan laro ng laro." Napakamot naman si Justin ng batok niya for Josh gave him a glare.





Nagpaalam na kami at umuwi na. Pagkarating namin sa bahay, nakahanda na ang pagkain kaya naman diretso kami ni Kuya sa kusina.


"John, anak. May nagpapabigay nito sa'yo." Manang gave Kuya an envelope. Nang buksan iyon, na curious ako bigla.


"Kanino raw galing, Manang?" Tanong ni Kuya.


"Michelle raw ang pangalan, anak." Biglang sumama ang timpla ni Kuya at linapag ang envelope na may lamang pera.


"Who's this Michelle?" I curiously asked.



"None of your business." Mas lalo tuloy ako na-curious.


Wala naman akong kakilala na iba pang friends ni Kuya. Si Josh lang naman kakilala ko so I really want to know who's this Michelle pero ayaw ko naman magalit si Kuya sa kakulitan ko.


Hinayaan ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain ko.


After we ate dinner, Kuya and I decided to watch movie with Manang.


Ayaw pa sana ni Kuya manood when I told him na Seven Sundays ang papanoorin namin but then I told him na minsan nalang kami manood ng movie kaya pagbigyan na ako.


And so we watched with Kuya.



We're in the middle of the movie when Manang talked.

"Nakauwi na ng Italy si Papa niyo, ano?"


"Yes, Manang. " Tinignan ko si Kuya pero focus lang siya sa pinapanood niya.


I know he's still not okay. Kahit ako hindi okay pero ako kasi tinanggap ko na. Alam kong some day matatanggap din ni Kuya at malay mo, sa susunod na pagkikita nila ni Papa, wala na iyong sakit.


"Alam mo ramdam ko iyong galit ni Aga Mulach dito. Malaman mo ba naman na ginagago iyong kapatid mo ng asawa nito, nakakapanggigil eh." Napalingon kami ni Manang kay Kuya when he suddenly talked. Focus pa rin ang mga mata niya sa TV.


"Eh hindi ko naman asawa si Felip, eh." I said. I saw his smirk and I can tell na may halong galit iyon.


"Mabuti nga na hindi mo asawa, eh. Baka napatay ko iyong gagong 'yon." Napairap nalang ako sa sinabi niya.


Hanggang ngayon galit siya kay Felip. Alam kong hindi madaling patawarin si Felip pero sa ginagawa niya, matatagalang maalis ang sakit sa nararamdaman ni Kuya. Siya lang ang masasaktan para sa akin samantalang ako, natutunan ng kalimutan ang nakaraan.


"Kuya, huwag mo na nga alalahanin iyon. Masaya na ako sa kung anong mayroon ako ngayon." Nawala ang galit sa mga mata ni Kuya at napalitan iyon ng ngiting nakaka-asar.



"Masaya ka kay Justin? Bakit, kayo na ba?" He asked.



"Hindi pa nga!" Ang kulit!


"Matagal ka na bang liniligawan ni Justin?" Tanong naman ni Manang.

"2 months na po, Manang." Sagot ko sa tanong niya.


"Eh bakit hindi mo pa sinasagot?" It was Kuya's turn to ask.


"Paki mo ba?" Mataray kong sagot.

Ayokong naho-hotseat!


"Ikaw, kailan mo ipapakilala sa amin ni Manang si Michelle?" Ako naman ang nagtanong kay Kuya, trying to change the topic.


But instead of answering, he cleared his throat at humarap na sa TV.



"Anong susunod na movie?" He asked.




Mas lalo tuloy akong nacucurious kung sino si Michelle!

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now