NAGISING ako dahil napahinto ang kotse. Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko agad ang reflection namin ni Justin sa rear view mirror.
Nakasandal ang ulo ni Justin sa ulo ko. Tulog rin siya kaya hindi muna ako gumalaw. Pinikit ko ulit ang mga mata ko para masabing tulog pa ako.
Maya-maya ay naramdaman kong inalis na ni Justin ang pagkakasandal niya kaya duon na rin ako nagdahan-dahang gumising.
Saka ko lang napansin na nasa drive thru kami.
Iniabot na kay Kuya ang inorder niya at ibinigay na rin sa amin ang pagkain.
Isang burger lang naman at kape.
Agad akong uminom ng kape and to my dismay, hindi siya kape.
"Hot choco. Really?" Tinaasan ko si Kuya ng kilay. Hindi niya ako nilingon but he answered.
" 'Di ba sabi mo bata ka pa?" Tanong ni Kuya. He started to drive pero mahina lang since kumakain din siya.
"Pinagtitripan mo ba ako?" I started to get annoyed. Ang sama na ng mood ko dahil sa sugat ko sa paa. Iniisip ko palang kung ano ang hindi ko pwedeng magawa, naiinis na ako. Tapos pinagtitripan pa ako ni Kuya.
"Sa'yo nalang 'to. Hindi ko pa naman naiinuman." Alok ni Justin.
"Paano ka?"
"The hot choco?"
"Huwag na. Nainuman ko na."
"Okay lang."
In the end, pumayag ako sa alok niya.
Pero hindi pa rin mawala ang inis ko dahil kanina pa pasulyap-sulyap sa amin si Kuya at nakangiti ng nakakaloko.
Pagkatapos kong kumain, I took out my phone and earphone. Hindi naman na ako inaantok kaya sound trip nalang.
May pinapatugtog naman si Josh pero hindi ko gusto yung mga pinapatugtog niya.
Ako kasi ang tipo ng tao na mahilig sa mga classical music kaya masamang idea na maghingi ng recommendations sa akin lalo na kung hindi ka naman mahilig sa classical.
Pinatugtog ko ang Pain ni Lucas King. Recently ko lang siya na-discover sa YouTube. Ang relaxing kasi ng mga compositions niya at tagos talaga sa puso kaya ang bilis ko ma-attached sa mga gawa niya.
Pinagmamasdan ko lang ang mga sasakyang dumaraan. I find it so relaxing kaya duon lang nakatuon ang pansin ko.
Pero ewan ko ba kung bakit rinig ko pa rin usapan nila Kuya.
"Dude, okay lang ba na sa Acuatico Beach Resort tayo? Nalaman ko kasi kung sino may-ari ng resort na iyon." I heard Josh asked Kuya.
"Hindi naman siguro sila magkikita. And besides, bayad na yung hotel na tutuluyan natin." Sagot naman ni Kuya.
Ano ba pinag-uusapan nila?
"Pero paano kung magkita sila?" Josh once again, asked.
"We won't let that happen. Right, Justin?"
I sensed Justin nodding and that made me ask them.
"Ako ba pinag-uusapan niyo?" Tanong ko pero ni isa sa kanila walang sumagot sa akin. Mas lalo tuloy ako mas kinutuban na damay ako sa pinag-uusapan nila.
After an hour and a half, nakarating na kami sa Batangas.
May dalawang kwarto ang kinuha ni Kuya na unit.
Silang tatlo sa isang kwarto at ako naman mag-isa sa kabila.
Nagpahinga kami ng ilang oras kasi maaga pa naman for lunch.
Lunch came. Gusto sana ni Kuya na room service nalang para raw hindi ako mahirapan maglakad kung sa labas pa kami kakain but I insist. I won't let my feet ruin Josh' day. He needs to enjoy every second.
Mabuti nalang talaga ay nailalakad ko na ang paa ko without their help. Masakit pa rin pero kaya naman tiisin.
Kumain kami ng lunch and I would say that the food here are all great! No doubt kung bakit maraming tao rito.
Pagkabalik namin sa Hotel, Kuya told us to prepare dahil sisimulan na namin ang water activities.
So I excitedly wore my mustard high-waisted two piece at pinatungan ko ng cardigan beach blouse.
Pagkalabas ko ng kwarto, nasa living room na silang lahat. They all wear floral shorts. Red kay Kuya, green kay Josh, at yellow kay Justin. Tapos white shirt lang yung top nila.
Iniripan pa ako ni Kuya dahil sa suot ko pero wala akong pakialam because this is my body and I just want to do the water activities!
"Let's go!!" Aya ko sa kanila. Tumango naman silang tatlo at lumabas na ng hotel.
"Kuya, let's do more!!" Reklamo ko pagkadating namin sa hotel. Tatlo palang nagagawa namin na water activity tapos nag-aya na kaagad si Kuya pabalik sa hotel.
Hindi pa nga namin nata-try ang snorkeling!
"Bukas naman. Pahinga muna tayo lalo ka na. Tignan mo nga yang bandage mo sa paa, kulay dugo na.
Napatingin naman ako sa paa ko. Nagkulay dugo na nga ito lalo na't nabasa yung bandage kaya kumalat yung dugo.
Napasimangot nalang ako at pumunta sa kwarto.
Dahan-dahan kong inalis yung bandage sa paa ko at itinapon iyon sa basurahan.
I grabbed my phone and went inside the bathroom.
Nagpatugtog ako ng classical music to calm my nerves kasi nga ramdam ko pa rin ang excitement sa ginawa namin kanina.
After I washed up, sumuot muna ako ng robe dahil nakalimutan kong magdala ng damit papasok sa banyo.
Lumabas ako saglit without turning off the music.
Binuksan ko na ang maleta ko to grab some of my clothes.
Masyado akong overwhelmed sa classical na pinapatugtog ko kaya napapasabay ako. I was humming it the whole time kaya hindi ko napansin ang katok mula sa labas.
Magsasalita na sana ako pero biglang bumukas!
Napasigaw ako ng iniluwa ng pinto si Justin na mukhang nagulat din. May hawak siyang bandage at gamot para sa paa ko.
Kapansin-pansin ang pamumula niya at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at iniwas naman niya kaagad ang tingin niya. Duon ko lang narealize...
Tangina, naka robe lang pala ako! I'm not wearing anything sa loob!
"Justin get out!!" Naihagis ko sa kaniya ang hawak kong gamit at automatic naman sinalo iyon ni Justin.
Mas lalong namula si Justin ng iyong bra ko lang ang nasalo niya!
"S-sorry!!" Binitawan naman niya kaagad iyon at lumabas na. Narinig ko pa mula sa labas na nagtanong si Kuya pero hindi ko narinig ang sinagot ni Justin.
Bigla ako nakaramdam ng hiya kahit wala naman na si Justin sa harap ko! Kinuha ko iyong naihagis ko na damit kasama ang bra and made sure na nalock ang pinto at dali-daling pumasok ng banyo.
Pinatay ko na rin yung tugtog baka kasi may kumatok naman at hindi ko marinig!
Nakakahiya!
YOU ARE READING
(SS #1) Suddenly Yours
Novela Juvenil"Love can never be easy for it might be temporary." Samantha started a relationship with Felip. They were so in love with each other. But love does fade. Felip felt that, ready to let her go. Little did she know, someone was patiently waiting for he...