"ANONG plano mo sa birthday mo? Malapit na, ah." Stell video called me, nangangamusta.
Nandito ako ngayon sa sala with Kuya. Kakatapos niya lang magreview and he's not playing on his phone kaya hindi kami nakaka-istorbo ni Stell.
"I don't know. Hindi pa naman namin napag-uusapan. Marami rin kasi akong ginagawa sa school kaya nawala sa isip ko." Sagot ko.
Next week na ang birthday ko pero hindi ko ramdam iyon. Sa dami ba naman ng ginagawa sa school. Hindi na nga kami masyadong lumalabas nila Justin, Kyla, at Drake.
"Wala kang plano for Sam's birthday, Kuya John?" Stell asked Kuya.
Minura muna ni Kuya iyong phone niya bago sumagot.
"Ano siya, bata?" Walang pakialam na sagot ni Kuya.
Sinilip ko kung ano ang linalaro niya, ML pala. Kaya ang lutong ng mura, eh.
"Hindi ba sabado naman iyong birthday mo? Labas kaya tayo?" Hindi ko pa nasasagot si Stell when Kuya suddenly stood up. Nasa tenga niya ngayon ang phone niya, may katawag.
"Fuck it, Michelle! Nasaan ka?!" Umlis na si Kuya at pumunta sa kwarto.
"Anong nangyari dun?" Tanong ni Stell.
"Hindi ko alam." Maya-maya ay bumaba na si Kuya, nagmamadali.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Sinundan ko siya palabas pero pinaharurot na niya ang sasakyan paalis.
Pagka-alis ni Kuya, may sasakyan naman na pumarada at bumaba rito si Justin.
"Justin? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Aayain ka sana magmall." Sagot niya naman. I told him to wait inside at magbibihis lang ako.
Before ako pumasok, I grabbed my laptop.
"Tawag ka nalang ulit, Stell. I need to go. Bye, love you."
"Love you, too." I ended the call and went to my room.
I just wore a simlpe pastel pink dress. Pagkababa ko, mukhang malalim ang iniisip ni Justin.
"You okay?" I asked nabigla siya sa akin kaya nakahalata akong may iniisip siya but I chose not to ask.
Kung may problema sia, sasabihin niya.
Tahimik lang siya habang nagd-drive. I badly want to ask baka kasi masira lang ang mood ko at hindi ma-enjoy ang araw na ito.
Kaya naman pagka-park ni Justin ng sasakyan, I asked.
"May problema ba? Kanina ka pa tahimik." Hindi siya umimik kaya napairap nalang ako.
Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas pero nagsalita na siya.
"Saan yun nag-aaral?" I went silent for a second, analyzing his question. Pero na-gets ko naman kaagad.
"UST. PolSci student din. Why?"
Instead of answering, tumango lang siya at nauna nang bumaba.
Is he on period or something?!
Pumunta muna kami ni Justin sa NBS. Naghiwalay muna kami para mapadali kami. Magkaibang section kasi ng libro ang pinuntahan namin.
"Stell?" Napalingon siya sa akin when I called his name.
"Uy." Lumapit siya sa akin and hugged me. Sakto rin nakita ko si Justin. Pupunta sana siya sa ibang direksyon pero tinawag ko siya.
"Hi." Bati ni Stell sabay alok ng kamay niya.
Tinignan lang iyon ni Justin at tumango bago umalis at pumunta sa kabilang section.
"Nagseselos?" Tanong ni Stell.
"I guess." Hindi ko kasi sinabi kay Justin na pinsan ko si Stell.
Kanina na tinanong ako ni Justin kung saan nag-aaral si Stell, nakaramdam agad ako na nagseselos si Justin.
"Kain tayo?" Aya ni Stell. Hinanap ko na si Justin para kumain.
Sa Max's kami kumain. Katabi ko si Stell habang kaharap ko naman si Justin. Tahimik lang kumakain ni Justin habang nagkukulitan naman kami ni Stell.
"Hindi mo pa ba sasabihin na magpinsan tayo? Tignan mo, ang lungkot niya." Bulong ni Stell. Sinilip ko si Justin na tahimik na kumakain.
"Later." I whispered.
After namin kumain, nagpaalam na si Stell. I saw how Justin averted his gaze when Stell kissed my cheek.
Ang sama ko dahil ineenjoy kong magselos si Justin.
"Uwi na tayo." Aya ni Justin. Ni hindi man lang ako liningon at nagsimula ng maglakad.
"Sandali!" Hinawakan ko siya sa braso kaya napalingon siya sa akin.
"Uuwi agad? Di pa nga natin na-eenjoy yung araw!"
"Kanina ka pa nga tawa ng tawa kasama ng lalaking iyon..." Pigil ko ang tawa ko. Mukha talaga siyang nagtatampo kaya mas lalong ayaw kong sabihin na pinsan ko lang si Stell!
"Bakit may bibilhin ka pa ba?" Mataray niyang tanong.
"Teka lang, ikaw kaya nag-aya! Manood nalang nga tayo ng movie!" Hinatak ko na siya papuntang bilihan ng ticket.
Habang naghihintay ng pila, tinignan namin yung nakaflash sa screen kung ano yung showing.
"Ano gusto mo panoorin?" Hindi ko alam kung bakit pa ako nagtanong, eh halata naman kung ano gusto niyang panoorin.
"Detective Pikachu." Hindi na ako kumontra, pambawi lang sa pagpapaselos ko sa kaniya.
"Two tickets for Detective Pikachu, please."
Pagkalabas namin sa sinehan, hindi pa rin ako pinapansin ni Justin hanggang sa makaihatid niya ako sa bahay.
Pagkababa ko ng sasakyan, agad niyang pinaharurot iyong kotse paalis, ni hindi man lang ako nakapag thank you!
"Himala at hindi mo muna pinapasok si Justin?" Bungad ni Kuya nang makapasok ako sa bahay.
I chose to ignore him and went straight to my room.
I grabbed my laptop and video called Stell.
"Ang sama mo naman Sam kay Justin! Ano ba ang gusto mong patunayan?" He asked.
"Wala naman. I just find him really cute kapag nagtatampo!" Nakangiti kong nagkukwento kay Stell kung ano nangyari kanina. Naikwento ko rin sa kaniya lahat ng pangyayari starting noong naghiwalay kami ni Felip.
It's been a long time talking with Stell. Simula kasi nung dumating si Justin sa buhay ko, hindi na ako masyado nakakapag-kwento kay Stell. Nagtampo nga siya one time at wala akong masabing excuse kasi totoo naman talaga.
"So, kailan mo sasagutin si Justin?"
Actually, naisip ko na kung paano ko sasagutin si Justin pero naghahanap pa ako ng tyempo.
"Secret." I just told him.
"Basta balitaan mo ako kaagad ha? Ano na nga pala plano mo sa birthday mo?"
"I'll just tell Manang to cook foods and I'll invite some of my close friends. Meryenda lang naman." I answered.
"Invited ba ako diyan?"
"Of course! Anong klaseng tanong 'yan?"
"Mamaya kasi bigla ako sugurin ni Justin sa sobrang selos."
"Mabait 'yon. Hindi yun nananakit."
"Sus, in love ka lang, eh. Sagutin mo na!" Natawa nalang ako sa pamimilit ni Stell.
Soon, Stell. Soon.
YOU ARE READING
(SS #1) Suddenly Yours
Teen Fiction"Love can never be easy for it might be temporary." Samantha started a relationship with Felip. They were so in love with each other. But love does fade. Felip felt that, ready to let her go. Little did she know, someone was patiently waiting for he...