Chapter Twenty Four

732 29 0
                                    

"HAPPY birthday, anak!" Bati sa akin ni Manang nang makarating ako sa kusina.


"Thanks Manang." I kissed her cheek at naupo na para kumain.


"Si Kuya po?" Kumuha na ako ng fried rice at inilagay sa plato ko. Ginanahan ako when I saw spam. Iyon kaagad ang kinuha kong ulam.


"Tulog pa ata. Pwede mo ba gisingin? Para sabay na kayong kumain." Utos ni Manang.


Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ni Kuya. Wala na siya sa kama niya at nasa banyo na kaya hinintay ko siya doon.


"Put--- Sam!" Nagulat si Kuya nang makita ako sa loob ng kwarto niya.


"Happy birthday to me?"


Natauhan naman kaagad si Kuya kaya lumapit siya sa akin to kiss my forehead and said happy birthday.


"Regalo ko?" I excitedly asked.


May kinuha naman si Kuya doon sa bag niya pero muntik ko nang maihagis sa kaniya yung unan na malapit sa akin when he showed me a finger heart.



"Pagmamahal ang regalo ko sa'yo." I just glared at him and went outside.


"Oh, asan na si John?" Tanong ni Manang nang bumaba akong mag-isa.


"Pinatay ko na." Naupo akong nakasimangot. Sumunod naman kaagad si Kuya.



"Later, Sam." He just said nang makita niya akong nakasimangot.


Pero nawala naman kaagad nang sabihin iyon ni Kuya.



"HAPPY birthday, Samantha!" Kyla and Drake both arrived. I let them inside at pinaupo.

Konti lang naman pinapunta ko rito since hindi naman marami ang kaibigan ko. I only invited Kyla, Drake, Justin, Josh, and Stell. Biniro ko pa nga si Kuya to invite Michelle pero binatukan lang niya ako.


"Bakit wala pa si Justin?" I asked Josh. May pinuntahan pa raw si Justin kaya hindi sila magkasabay but it's been 30 minutes na nandito si Josh pero wala pa rin si Justin.


Bigla ako nabuhayan nang marinig ang doorbell.


Mabilis akong lumabas para salubungin si Justin.


"Hi!" I greeted.


"Happy birthday, Sam." He handed me his gift. Pinapasok ko naman siya kaagad pero nawala ang ngiti sa mukha niya when he saw Stell.


Pagkapasok niya ay hindi na naman siya umimik. Napansin iyon ni Kuya kaya tinanong niya ako kung may problema ba si Justin.


"Wala naman. He's usually quite naman talaga." Sagot ko naman kay Kuya. Hindi na siya nagtanong pa at hinayaan nalang ako mag-enjoy.


After namin kumain ng meryendang inihanda ni Manang, Kuya invited us to the living room. Pagkarating namin doon ay may nakahandang mga beer sa mesa.


Naupo kaming lahat sa sahig at nag-usap about so many things when Kuya suddenly asked me.


"Kailan mo ba sasagutin si Justin? Kung wala ka naman balak, may irereto ako sa'yo." Nagulat ako sa biglaang tanong ni Kuya.


What? Irereto? No!


"Bakit mo naman ako irereto sa iba?" I asked him back.



"Pinapaasa mo lang kasi si Justin! Ilang buwan ka na ba liniligawan niyan?"


"Kuya lasing ka na ba? Beer lang naman iniinom mo bakit parang lasing ka na?" I tried to avoid his question dahil nararamdaman ko na rin na hindi komportable si Justin sa mga tinatanong sa akin ni Kuya.


"Oo nga, Sam. Huwag mo namang paasahin yung pinsan ko. Biruin mo, 13 years ka na niyang mahal tapos ganoon lang?" Si Josh naman ngayon ang nagsalita.


Anong problema nila?!



"Huwag niyo ngang pagtulungan si Sam. Masyado niyong hina-hotseat." Pagtanggol naman ni Stell.



Mas lalong hindi na komportable si Justin nung magsalita si Stell. Na para bang bigla siyang na-threaten.


Pero patuloy lang sila Kuya sa pagtatanong ng kung anu-ano sa akin kaya kinabahan ako nang tumayo si Justin at lumabas ng bahay.



I glared both Kuya and Josh pero tinawanan lang ako.


Lumabas naman ako para habulin si Justin.



"Huy bakit bigla kang umalis?" Takbo-lakad na ang ginagawa ko dahil ang lalaki ng hakbang ni Justin, hindi ko mahabol.



He did not answer me kaya nagtanong ulit ako.


"Bakit ka ba umalis? Bumalik na tayo sa loob." Hindi niya ulit ako pinansin. Hindi ko alam kung saan siya papunta at medyo malayo na rin sa bahay pero sinundan ko pa rin siya.



"Bumalik ka na dun, Sam. Bumalik ka na doon kay Stell." Sagot niya naman.


"Hindi ako babalik hanggat hindi kita kasama. Ano ba kasing kinagagalit mo?"


Napahinto ako sa paglalakad nang harapin niya ako. I see pain in his eyes. Bigla tuloy akong na-guilty.



"Hanggang kailan ako aasa, Sam? May pag-asa pa ba talaga ako?" Mas lalo akong na-guilty nang biglang may tumulo na luha sa mata ni Justin!



"Hindi ko naman alam na may kakompetisya pala ako sa'yo. Baka nga sinagot mo na si Stell at sobrang nagseselos ako! Bakit hindi mo sa akin sinasabi?"


"Sinasabi ang alin?" I asked back.


"Na may Stell na sa buhay mo?"



At doon na ako napatawa.






"Bakit ka tumatawa?!"

"Stellvester Ajero. Magkapatid yung Mama niya at Papa ko. Pinsan ko ang pinagseselosan mo, Justin." Nahinto ang pag-iyak niya at napalitan ng gulat.

"Pinsan?"


"Oo. Kaya huwag ka magselos. At kahit pa hindi ko pinsan si Stell, huwag ka magselos dahil sinasagot na kita Justin." I showed him ny sincerest smile and held his hand.



"Y-you do? Girlfriend na kita?" Hindi pa rin nawawala ang gulat sa mata ni Justin at nagsimula na rin itong mamula.



"Bakit, ayaw mo?" Biro ko na agad naman siyang napa-iling.



"Kung ayaw mo, okay lang na---" He cutted me off by touching his lips to mine.



"I love you. I love you so much, Samantha. For the last 13 years, ikaw pa rin ang mahal ko. Thank you." Naiyak ulit si Justin pero hindi na dahil sa sakit.



"Mahal na mahal din kita, Justin De Dios. Thank you dahil minahal mo ako at prinotektahan. Thank you dahil lagi kang nasa tabi ko at hindi mo iniwan." We hugged and cried together. Nang humiwalay kami ay napatawa kami sa itsura namin.


"Alam mo ba na hindi ito yung inimagine ko na scenario kapag sasagutin na kita? Ang seloso mo kasi, eh." Napangiti nalang si Justin sa sinabi ko.


"I love you." He said once more and we decided to go back and to announce to them that




We are officially together.

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now