Chapter Twelve

776 32 14
                                    

"LUMABAS ka na dyan. Aalis na tayo." Nahigit ko ang hininga ko nang may kumatok sa pinto pero nakahinga naman ako kaagad ng maluwag nang mapagtanto na si Kuya iyon.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"Huwag na maraming tanong, lumabas ka na diyan!" Napabuntong hininga ako.

I wore a simple white floral dress and a white sandals.

Naka bandage pa rin ang paa ko. After what happened earlier, si Kuya ang pinapasok ko to help me with the bandage.

Wala akong mukhang ihaharap kay Justin matapos niya akong maabutang naka robe lang.

Naka-ilang hinga ng malalim ako bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

"Ang tagal naman, Sam!" Hindi ko na pinansin ang reklamo ni Kuya. Hindi ko rin liningon si Justin dahil nahihiya pa rin ako.


"Mauna na ako, Kuya." Tumayo na ako after I ate dinner. Kaunti lang ang kinain ko dahil wala rin ako sa mood.

"Sa hotel ka na?" Tanong niya.

"Diyan lang sa tabing dagat, maglalakad-lakad."

"Sige, umuwi ka kaagad. Mag-ingat ka." Nang pumayag si Kuya, pumunta na ako sa tabing-dagat.

Actually ginawa ko lang iyon na excuse para makalayo sa kanila. Pero hindi dahil sa nahihiya ako kay Justin.

Naupo ako sa buhangin and took out my phone.

Simula kahapon, hindi na naman ako tinigilan ni Felip after kong sagutin ang tawag na inaakala kong ibang tao. Pero hindi ko hinayaang mag-usap kami.

He realized that I already blocked his number so he changed it to a new one and started bugging me again.

Hindi ko iyon sinabi kay Kuya dahil alam kong gulo na naman ito.


Nag vibrate ang phone ko. Kahit hindi naka register ang number, alam kong si Felip iyon.

And as usual, I ignored his call.

"Ginugulo ka na naman ba ni Felip?" Agad kong itinago ang phone ko at liningon yung nagsalita.

"What are you doing here?" I asked Justin.

Instead of answering me, naupo siya sa tabi ko at tumingin sa malayo.

"Alam ba to ni Kuya John?" He asked.

"Hindi na. Gulo na naman kasi kapag nalaman niya." He nodded. Pareho kami ngayon nakatingin lang sa dagat.

"Minsan ba, naisip mong balikan si Felip?" Natahimik ako bigla, analyzing his question he suddenly asked.

"God knows how many times I thought about that. Pero lahat lang iyon bumabagsak sa conclusion na sasaktan pa rin ako ni Felip." Malungkot akong napangiti.

"Bakit mo natanong?" Tinignan ko siya. I can see how good his feature looks.

Almost perfect.

"I'm just wondering kung may pag-asa pa ba ako." I know he purposely whispered his answer but we're literally few inches away kaya narinig ko pa rin iyon!

"W-what?" Gulat akong napatingin sa kaniya. Napansin ko rin ang pagkabigla sa mukha ni Justin na halatang hindi inaasahang maririnig ko iyon.


Hindi pa ako nakakarecover sa pagkabigla when he started talking again.


"It was Kuya Josh' 10th birthday when I met this girl." He started.


(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now