Chapter Nineteen

722 27 1
                                    

"GUYS, I also want to try the Safari Splash----" I almost tripped when a little girl bumped into me.

"Oh! Sorry!" Napahawak ako bigla duon sa bata. She looked pained habang hawak ang ilong niya.

"Ayos ka lang, bata?" Lumuhod si Justin para mahawakan iyong bata. He tapped her hair kaya nawala ang nakasimangot niyang mukha.

Lumuhod na rin ako and asked the kid.

"Nasaan ang kasama mo? Bakit ikaw lang mag-isa?"

"I can't find my Dad---"

"Pauline!!" We heard someone screamed at lumapit kaagad sa amin. Hinila niya iyong batang Pauline ang pangalan and hugged her.

"Saan ka ba nagpunta? I was just buying your food tapos bigla ka nawala!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ng papa nung bata.


And when he stood up, doon ko lang nakumpirma kung sino siya.


"D-dad?" Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Galit ba?


Saya?


Hindi ko alam.


"Samantha?" Hindi ko namalayang may pumatak na pala na luha sa mga mata ko.


Justin caressed my back and asked me if I'm okay. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.


Basta bigla nalang ako napayakap kay Papa.


I felt his hand on my back, hugging me. Mas lalo lang ako napahagulgol.






"SALAMAT po, Manang." Manang offered Papa a glass of juice na tinanggap naman niya.

Pinakiusapan ako ni Papa na mag-usap kami. I told him na dito nalang sa bahay para makita rin siya ni Kuya. Kaya naman pinasabay na kami ni Papa sa sasakyan niya.

Sinamahan ako ni Justin kaya si Drake ang nag-drive ng sasakyan niya pauwi.


When we arrived, hindi kaagad naka react si Manang when he saw Papa. Pero alam kong hindi siya masayang makita si Papa.


"Nasaan si John?" Papa asked.

"Review center po. Pero pauwi na rin yun." I calmly said. Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa alam ang totoong nararamdaman ko.


Pero alam kong kaya ko harapin si Papa lalo na't kasama ko si Justin ngayon.

"Kamusta na pala kayo ni Felip? Bakit hindi ko siya nakita kanina?" Papa suddenly asked. I felt uncomfortable at alam ko Justin felt the same way.


"Wala na kami, Pa. We broke up 2 months ago." I answered. "Kayo po? I thought sa Italy na kayo nanirahan?"


"Oo. May inasikaso lang ako rito sa Pilipinas pero aalis din kami ng kapatid mo in two days." Napataas ang kilay ko sa narinig ko.

"Kapatid? You mean..."

"Yes. Her name is Pauline and she's 5 years old." I just nod, didn't know what to say.



"What the fuck are you doing here?" Napalingon kami ni Papa sa may pinto.


Kuya looked really mad. Natakot ako kaya lumapit ako sa kaniya bago pa siya sumabog.



"Kuya, nakita ko siya kanina sa Tagaytay. He's only here for few days. Kuya you know what? We had a baby sister! She's Pauline and she's 5 years o---" Napahinto ako sa pagsasalita when Kuya faced Papa and asked,



"5 years old?! Puta dalawang taon mo na pala kami linoko bago ka pa mabuking ni Mama?!" Lumapit naman kaagad ako kay Kuya pati na rin si Justin dahil kwinelyohan ni Kuya si Papa.


"Alam mo ba kung gaano kahirap sa amin ni Sam yung pag-iwan mo, ha?! Do you even know what Sam been through when you left us?!" Mas lalo ako natakot dahil sobrang panggigigil ni Kuya sa kwelyo ni Papa kaya naman ginawa namin ni Justin ang lahat para awatin siya at ilayo kay Papa.


"Alam ko pero nandoon ka naman para kay Sam, 'di ba? Nandoon din si Felip--"


"Felip?! Alam mo ba kung anong ginawa ng gagong iyon sa anak mo, ha?! Muntik ng magahasa ni Felip si Sam! Syempre hindi mo yun alam dahil wala ka! Iniwan mo kami! Ni minsan hindi mo man lang inalam kung okay kami ni Sam!" Ang galit ni Kuya ay sinabayan ng sakit. Unti-unting nagsipatakan ang luha ni Kuya habang kausap si Papa.


Para bang lahat ng naramdaman ni Kuya 3 years ago, ngayon lang niya naibuhos.


Ngayon lang niya naibuhos dahil nagpakatatag siya para sa akin.



Nang marinig iyon ni Papa, lumingon siya sa akin. He was about to hug me pero inilayo lang ako ni Kuya sa kaniya.

"Anong iniiyak-iyak mo diyan? Wala kang karapatan! Umalis ka na!" Tila ba nandilim na ang paningin niya kay Papa kaya sinisigaw-sigawan lang niya ito.



"Kuya, stop being so rude! Papa pa rin natin siya!" Sigaw ko. Tinignan niya ako ng masama na para bang mali yung sinabi ko.


"Simula noong iniwan niya tayo, wala na akong kinilalang ama." He once again looked at Papa and left. Padabog na sinara ni Kuya iyong pinto ng kwarto niya.

"Sam, anak. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nagawa iyon ni Felip sa'yo. Sorry." Napahawak si Papa sa kamay ko. I can see he's worried about me pero wala na dapat siya ipag-alala.


"Kalimutan na po natin iyon, Papa. Masaya na ulit ako ngayon." Tipid kong nginitian si Papa at napatingin kay Justin and he smiled back.


"Gusto niyo po muna kumain?" I asked pero umiling lang siya.

"Hindi na siguro, anak. Baka magalut lang saiyo si Kuya mo kapag nagtagal pa ako rito." I hugged him tight.

Oo galit ako. Pero mas naninibabaw sa akin ang saya at pagka-miss.



Nagpaalam na si Papa at inihatid ko naman siya palabas. Pagpasok ko, nandoon si Justin sa sala. Malayo ang tingin.

"Do you want beer?" I asked. He nodded and followed me to the counter.

Hindi pa rin lumalabas si Kuya and I doubt na lalabas pa siya. After what happened, malamang lilibangin niya ang sarili niya by reviewing.


"Three years ago when Papa left us..." I started.

"Nalaman kasi ni Mama na may babae si Papa. Ni hindi man lang nag-explain si Papa sa amin. Ang bilis niyang umalis, na para bang hinihintay niya nalang na malaman namin para makaalis siya kaagad." I sipped from the beer na hawak ko.

"Hindi iyon kinaya ni Mama kaya week after umalis ni Papa, siya naman ang nang-iwan. She never showed herself for the last three years. Oo nga pinapadalhan kami ni Mama ng pera pero yun lang iyon. Hindi man lang kami kinakamusta.

Noong panahong iyon, kakilala ko na si Felip. He's one of the reasons kung bakit nalagpasan ko iyong sakit na ibinigay ng mga magulang ko. He's the one who made me feel like I am loved for he showed me his love for me. Tatlong taon niya pinaranas iyon tapos bigla nalang nawala." Mapait akong napangiti.

Oo wala na. Wala na akong nararamdaman pa kay Felip. Pero nandito pa rin iyong sakit na ibinigay niya. Pinakita niya sa akin na hindi ako karapat-dapat mahalin. Na madali lang akong iwanan.


"Hindi rin naman kasi lahat, tumatagal. Yung iba dumarating lang sa buhay mo para maging pagsubok. O kaya naman bilang paalala na hindi lahat, makukuha natin. Wala naman kasing permanente sa mundo." Napa-isip ako sa sinabi ni Justin.

Nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita kaya ramdam ko ang sinsiridad sa bawat salitang binibitawan niya.

"So sinasabi mong, pwede mo rin ako iwanan kapag tayo na?" Nabigla siya sa tanong ko pero sinagot rin niya naman.

"Iiwan lang kita kapag wala na ako sa mundo. Sabi ko 'di ba wala naman permanente." Napangiti ako sa sinabi niya. At ewan ko ba kung bakit pero,




Hinalikan ko siya.

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now