Chapter Eight

796 33 8
                                    

"DITO na kayo kumain." Aya ni Kuya pagkababa niya ng hagdan. Nakasuot pambahay na siya.

Linigpit ko na rin yung mga ginamit ko sa panggagamot sa sugat ni Justin.

"Eh Kuya may klase pa kami mamayang 1pm." Napatingin ako sa orasan, lagpas ala-una na pala!

"Huwag na muna kayong pumasok. Alam kong hindi ka okay kaya magpahinga ka muna pagkatapos mo kumain." Hindi na ako nagpumilit pa dahil sa totoo lang, ang bigat ng nararamdaan ko ngayon.

Kaya pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko.

Kinuha ko ang phone ko and turned it on. Puro missed calls and texts pa rin ang natanggap ko mula kay Felip. Kaya napagdesisyonan ko na i-block ang number niya.

Wala na kaming rason para mag-usap pa.

Maya-maya tumawag sa akin si Stell.

"Sam, okay ka lang?" Tanong niya pagkasagot ko sa tawag.

"Alam mo ang nangyari?" I answered him with a question.

Hindi ko pa naman nakakausap si Stell simula pa kahapon kaya hindi ko pa nababanggit sa kaniya yung tungkol sa amin ni Felip.

"Kuya John called me last night. Kausapin daw kita."

Si Kuya talaga.

"Malalagpasan ko rin naman 'to. I have you, Kuya, and Manang kaya kakayanin ko 'to."


We talked for the next 30 minutes. Hindi raw siya pwede magtagal since may next class pa. Absent lang daw Prof. niya sa first subject nila ngayong hapon kaya extended ang lunch break.

So I decided to sleep after ending the call.




Nagising nalang ako dahil may nagtatawaan sa baba.

It's already 6 in the evening.

Pagkalabas ko ng kwarto, natanaw ko kaagad sila Kuya, Josh at Justin na nag-iinom ng beer.


"Good evening." I greeted. Tinignan lang ako ni Kuya and Josh at tinanguan ako. While Justin,

"Good evening, Sam." He greeted back at ngumiti. So I smiled back at him. Pero mabilis lang iyon dahil bigla ako na awkward.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan kong nagluluto si Manang.

"Manang tulungan na kita."

"Huwag na, anak. Ako bahala rito. Samahan mo na dun sila Kuya mo." So I did.

Nakasimangot akong napaupo sa sofa. Sila Kuya naman nakaupo sa sahig, may mga hawak na beer.

Inalok ako ni Josh pero kinuha lang iyon ni Kuya.

"Kuya beer lang naman!" Reklamo ko. Tinawanan lang ako ni Justin.

"Grabe naman, pre. Para beer lang. Ang tanda na ni Sam" Pagtatanggol naman ni Josh.

"Bata pa 'yan. Anong matanda? Eh hindi nga marunong pumili ng lalaki, eh!"

Nainis ako sa sinabi niya at dahil nasa likod lang ako ni Kuya, sinipa ko siya at natapon ang hawak niyang beer.

"Ba't ka naninipa?!" Tumayo si Kuya at hinarap ako.

"Nakikipaglaro, bakit?! Di ba sabi mo bata ako?!" I crossed my arms at tinaasan ko ng kilay si Kuya.

I can see from my peripheral view na tawang-tawa si Justin sa nakikita niya habang pailing-iling lang si Josh.

(SS #1) Suddenly YoursWhere stories live. Discover now