"INOM ka muna ng tubig, anak." Linapag ni Manang ang isang basong tubig sa coffee table na nasa harapan ko.
Nandito ako ngayon sa sala namin, waiting for Kuya.
It's been an hour since Kuya left after niya ako ihatid.
Pagkapasok ko kanina, hinanap ko kaagad si Manang at duon ako sa kaniya umiyak ng umiyak.
I told Manang everything. She hugged me the whole time hanggang sa naubos na ang luha ko.
Gustohin ko man na magpahinga, hindi ko magawa dahil nag-aalala ako kay Kuya. I tried calling him pero nakapatay ang phone niya.
So I decided to wait for him.
Napatayo ako at umabang sa may pinto nang makarinig ako sa labas ng kotse na huminto.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Kuya na pababa na ng kotse niya.
Lumapit kaagad ako at niyakap siya.
Bilib din ako sa sarili ko. Yung akala kong ubos na ang luha ko, mayroon pa palang natira.
Kuya hugged me back and caressed my back.
It was a quick hug dahil pinapasok na kami ni Manang.
Nang makapasok, Manang told us na iiwan muna niya kami ni Kuya para raw makapag-usap kami.
And so we did.
"Saan ka nanggaling?" I asked even though halata naman kung saan siya pumunta.
"Buti nalang hindi ko napatay ang gagong yun." He answered, different from what I asked.
"Kuya anong ginawa mo kay Felip?" Bigla akong kinabahan. Kuya's eyes still look mad.
"Simula ngayon, hindi na kayo pwedeng magkita ni Felip. Na intindihan mo?" Napalayo ang tingin ko kay Kuya.
Bigla kong naalala ang mga pangyayari kanina.
Punong-puno ng galit ang puso ko ngayon kaya walang pagdadalawang-isip na tumango ako at sundin si Kuya.
Pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan.
Kung tutuusin, mas ramdam ko ang sakit kaysa galit.
"Sam..." hinawakan ni Kuya ang magkabila kong balikat at iniharap sa kaniya.
"You'll get through this, okay? Nandito lang ako." I nodded and a tear fell.
Putang mga luha 'to. Ayaw tumigil.
Yinakap ko si Kuya. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at humagulgol.
Hinayaan lang ako ni Kuya na umiyak hanggang sa nakaramdam ako ng pagod.
"Hey..." Nagising ako nang maramdaman kong may nagtatapik-tapik ng pisngi ko.
Nang maidilat ko ang mata ko, bumungad kaagad sa akin si Kuya.
"Kaya mo bang pumasok ngayon?" He asked.
"Oo naman. I promised you I won't let heart break ruin me." I showed him a small smile at bumangon na.
"I'll just prepare." Tumango siya at tinapik ang balikat ko.
Pagkalabas ni Kuya ng kwarto, deretso ako sa banyo para maligo.
I looked myself at the mirror. Magang-maga ang mata ko. Sa iyak ko ba naman kagabi, expected ko nang mamamaga ang mata ko.
Hindi na ako nagtagal pa sa pagliligo at bumaba na after kong matapos mag-ayos.
YOU ARE READING
(SS #1) Suddenly Yours
Teen Fiction"Love can never be easy for it might be temporary." Samantha started a relationship with Felip. They were so in love with each other. But love does fade. Felip felt that, ready to let her go. Little did she know, someone was patiently waiting for he...