"H-huh?"
Nagulat ako sa tanong ni Kyla. Kinabahan ako nang makabalik si Justin baka kung ano pa ang masabi ni Kyla.
Buti nalang naabala na si Kyla sa pagkain kaya hindi na siya nagsalita pa.
Mabilis agad ako nabusog dahil lagay ng lagay si Justin ng pagkain sa plato ko kaya agad ko naman itong kinakain.
Matapos ay dumiretso na kami sa Timezone. Excited kaming pumasok na apat. Para kaming mga bata nang makapasok kami. Pumila naman kaagad si Drake at Justin para load-an yung card.
Inisa-isa ko na sa isip ko kung ano ang lalaruin namin. Pero napasimangot agad ako nang unahin nila ang basketball.
Naglaro nalang din ako.
Tawang-tawa pa sa akin si Justin dahil hindi ako maka-shoot samantalang naka 24 shoots na agad siya within 20 seconds.
Todo naman cheer si Kyla na katabi ko lang sa boyfriend niya. Ang ending ay umayaw ako at pinanood nalang ang dalawang lalaking mag-enjoy doon.
Naka 63 shoots si Justin samantalang 65 naman si Drake. Tinukso pa ni Drake si Justin na ang weak daw eh 2 points lang naman yung lamang.
Sunod namin iyong street fighter. Bilib nga ako sa sarili ko dahil ang galing ko! Di ko nga lang alam kung sinasadya ni Justin na magpatalo dahil mula kanina, hindi pa siya nananalo sa akin.
"Ang daya naman!" Sa aming apat, ako lang ang hindi marunong maglaro ng Call of Duty kaya ang bilis kong mamatay!
Ang galing lang nila! Even Kyla! Madalas siguro sila ni Drake maglaro rito
Syempre hindi mawawala yung crane game.
Nainggit ako kay Kyla dahil binigyan siya ni Drake ng Ice Bear na stuff toy. Nang lingunin ko si Justin, hirap na hirap siyang kunin iyong Squirtle na stuff toy.
"Bakit kasi si Squirtle pa. Ayan si Jake oh ang lapit lang." Turo ko dun sa stuff toy na Jake na malapit lang sa hulugan.
"Gusto ko kasi Squirtle. Last time na punta ko rito, si Bulbausur ang nakuha ko." Sagot naman niya habang busy pa rin sa crane.
"Fan ka ng pokemon?"
"Hindi lang fan, adik 'yan. Makita mo, yung kwarto niyan puno ng kung anu-anong relate sa pokemon." Drake answered instead.
"Ah! I remember your shirt 13 years ago! It was charmander, right?" I asked pero tumango lang siya without even looking at me.
"13 years ago? Matagal na kayo magkakilala?" Gulat na tanong ni Kyla.
"Long story, Kyla." Nginitian lang ako ni Kyla ng nakakaloko but I don't mind.
Hinarap ko ulit si Justin, he looks so pissed kasi hindi niya makuha si Squirtle.
"Tama na 'yan, Justin. Next time nalang. Ubos na yung token mo, oh. Sayang din ng oras." I said. Napakamot ng ulo si Justin out of frustration kasi nga hindi niya makuha si Squirtle.
Sunod naman ay Just Dance. Halakhak ang ginagawa ni Kyla habang pinapanood si Drake, hindi kasi marunong. On the other hand, si Justin ay ang smooth ng mga galawan. Nakaka-attract naman ng atensyon si Justin kaya maraming nagsisilapitan na mga tao, especially girls.
Kaya naman after 2 dance, inaya ko na sila sa karaoke room. We spent our 30 minutes singing different songs. Nag duet din kami ni Justin. We sang You Are the Reason by Calum Scott and Leona Lewis which made Kyla and Drake giggled, kinikilig sa amin.
At syempre, hindi namin pinalagpas ang snapshot. Buti nalang pagdating namin kung saan nakapwesto ang snapshot, walang gumagamit.
Kinuha ko iyong pang-clown na wig at sinuot kay Justin. Suot ko naman ang pulang ilong and a big sunglasses.
Kaming dalawa muna ni Justin ang nauna. Tatlong shot iyon at yung pangatlo, sabay nang pagkuha ng camera iyong paghalik sa akin ni Justin sa pisngi. Mukha tuloy akong gulat na gulat sa picture.
Sumunod sila Kyla and we did a group picture. Tawang-tawa ako sa last shot kasi naka wacky kaming lahat.
After namin makuha ang copy ng shots, we decided to go home.
I texted Kuya na pauwi na kami.
On our way home, hindi ko maiwasang magpasalamat sa kanila. They made my day so special na kahit may problema akong hinaharap, nandyan sila palagi sa akin.
"Ano ka ba, okay lang! What are friends are for, 'di ba? Kung kailangan mo ng resbak, push kami. Tho you have Justin na but we're one call away lang!" Sam commented. Napatawa nalang kami sa mga sinabi niya.
Una akong hinatid ni Drake. Pinapasok ko muna sila para sana makapag pahinga muna pero they resist. Gabi na rin kasi and Drake needs to bring Kyla home.
Kaya naman bumaba na ako. Sumunod naman si Justin.
"Oh bakit ka sumunod? Di ka pa uuwi?" I waited for his answer pero napakamot lang siya sa batok niya at iniiwas sa akin ang tingin.
"May problema ba?" Tanong ko. Hindi ulit umimik si Justin. Bumusina na rin si Drake dahil ang tagal ni Justin.
"Ano may sasabihin ka pa ba?" I asked once again pero ayaw niya talaga magsalita!
"Alam mo Justin kung wala kang sasabihin papasok na ako." Bubuksan ko na sana ang gate pero napahinto ako sa sinabi niya.
"Can I court you?" Deretsahan niyang sinabi. Agad akong napatingin sa kaniya. Hinintay ko na magsabi siya na joke lang iyon pero hindi. Ang seryoso rin ng itsura niya.
"Hindi ka pa pala nanliligaw?" I asked in my serious voice pero biro ko lang iyon. I just want to see Justin's reaction for it was hilarious!
"H-huh?" Gulat na gulat pa rin siya kaya napatawa ako. Pero hindi yung tawang nakaka-insulto.
I was about to reach his cheek and kiss it pero biglang lumabas si Kuya ng bahay.
"Sam ano----" nagulat ako when Justin moved his face to Kuya's direction kaya naman ang supposed to be kiss sa cheek, sa labi naglanding!
Napalayo kaagad ako, gulat na gulat. Same with Justin and Kuya.
Narinig namin na naghiyawan si Kyla and Drake sa loob ng sasakyan pero hindi ko iyon pinansin kasi mas natakot ako sa tingin ni Kuya sa amin ni Justin.
"Justin, pasok."
Fck.
YOU ARE READING
(SS #1) Suddenly Yours
Novela Juvenil"Love can never be easy for it might be temporary." Samantha started a relationship with Felip. They were so in love with each other. But love does fade. Felip felt that, ready to let her go. Little did she know, someone was patiently waiting for he...