CHAPTER 4

49 13 0
                                    

CHAPTER 4

ZK Ramos

(Flashback Continuation)

Ilang araw na ang nakalipas at lagi-lagi pa rin kaming nagchachat ni JD sa twitter.

Nagkakamustahan kung anong nangyari sa araw ng isa't isa, nag aasaran, nagtatalo, nagkakatampuhan pero sa huli 'di namin natitiis ang isa't isa.

Simula ng gabing 'yon na nagusap kami ay parang may nagbago sa 'min. Ayy, hindi. May nagbago talaga sa aming dalawa.

Pero minsan nakakalungkot lang isipin na walang kami. Walang lebel. May nararamdaman kami sa isa't isa pero walang kahit na anong pwedeng itawag don. Ang gulo. Magulo pero masaya ako. Masaya ako na may nagpapangiti na ulit sab'kin. Masaya ako na may nagaalaga sa 'kin. Hindi man sa personal pero wala siyang nakaligtaan na araw para paalalahanan ako sa kahit ano mang bagay at mga dapat na gawin ko.

Masaya ako. Masaya kami.

Wala mang lebel, umaasa man ako, basta sa ngayon, ang mahalaga lamang ang kami. Siya at ako.

Tanga bang isipin? Wala eh nahulog ako. Susugal ako kahit masaktan man ako. Susugal ako kasi hulog na hulog na ako.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang broken hearted pa ako tas ngayon, may taong biglaang dumating para sagipin ako at eto, ang lalaking sumagip sa 'kin sa dagat ng luha ay ang lalaking nagpapasaya sa akin ngayon.

"Haynako, ngiti ngiti na naman na parang baliw yung isa d'yan." pagpaparinig ni Leoncio na nagpangisi lalo sa'kin. Di 'ko siya pinansin at nag focus nalang ako sa cellphone ko.

@AkoSiJD: Hayy!! Kinikilig ka na naman d'yan!

@ZK Ramos: Wao, ako pa talaga, ha!? Kapal mo, baka ikaw!

@AkoSiJD: Sus, kunwari ka pa. Wag kang magalala kinikilig din ako kaya di ka nagiisa d'yan na nababaliw.

Nagpigil ako ng tawa't kilig dahil baka ma- inggit ang dalawang kasama ko ngayon sa isang milktea-han.

@ZK Ramos: Sige, aamin na 'ko sabihin mo muna please, master?

@AkoSiJD: Ang daming alam! please, wife?

Hindi ko na napigilan ang tawa kaya napatingin sa 'kin yung dalawa. Napakagat labi ako.

"Haynako, ang harot!" inggit na sabi ni Jade.

Inirapan ko nalang siya.

@ZK Ramos: ...

@AkoSiJD: Hah! Kinikilig yan, HHAHAHAHA alam ko na 'yang mga chatan mo eh.

@ZK Ramos: Ewan ko sayo!

@AkoSiJD: Sus, galit galitan kapa, pektusan kita, eh.

Myghad! Ewan ko talaga sa lalaking to!

@ZK Ramos: Balatan kaya kita ri 'yan!

@AkoSiJD: Matagal nakong nabalatan, 'di na kailangan, HAHAHAHA.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon