CHAPTER 27

31 5 0
                                    

Sorry for the late update, pie's! Start na ng online class namin kaya start na rin ang kalbaryo ng bawat isa, but don't worry, I'll still update but slow nga lang. Huhu!

Enjoy Reading!

-Cheonie

CHAPTER 27

Zk Ramos


"What?" tanong ni JD nang mapansin ang pabalik balik kong tingin sa kanya.

"What's the title of the song?"

"What song?" maang maangang tanong niya.

Umirap ako. "That song you're humming!"

"Wala, no." nag-iwas siya ng tingin at kukuha sana siya ng fries ko ng tapikin ko agad ang kamay niya.

"Aray! Baby naman, isa lang, eh! Damot mo po, nilibre kana-"

"Baka nakakalimutan mo atraso mo sa akin, Jan Daniel." sinamaan ko siya ng tingin.

Natigilan siya sa sinabi ko at maya maya ay nag-iwas ng tingin habang nagkakamot ng tenga. Bumulong bulong pa siya ngunit hindi ko na pinansin pa iyon at kumain nalang.

"Sorry nga po, eh. Tsk! Tsk! Damot mo po. Pasalamat ka bebe kita, tsk! tsk!" umiling iling siya at napairap nalang ako.

Dinala niya ako sa mcdo dito sa tinatawag niyang talipapa. Nandito kami sa bandang kaliwa kung saan ay hindi kami mapapansin gaano ng mga tao at imbis na sa harap ko siya umupo nandito siya sa tabi ko at nakaakbay ang braso sa upuan ko.

Nilibre niya ako. Hindi niya hinayaang magbayad ako kahit sabi ko ay dapat KKB kami. Sabi niya pa'y pambawi niya raw ito dahil sa pagtatampo ko at dahil sa naghintay daw ako roon sa ministop ng matagal kahit hindi naman gaanong katagal iyon.

Muli ko siyanh nilingon ng marinig na namang nag huhumm siya ng isang kantang pamilyar sa akin ngunit hindi ako sigurado dahil mahina lamang ito at hindi gaanong malinaw.

Ang boses niya ay buo at panlalaki, malamig iyon at may dalang vibe na parang boses nang isang lalaking handang mangharana sa kanyang iniirog at alam kong kapag kumanta na talaga siya ay mas maganda pa ang boses niya sa akin.

Nahihiya lamang akong icompliment at tuksuhin siya dahil baka mahiya siya bigla at hindi na kumanta o mag hum.

Tinago ko ang kilig at pagngiti ko sa pagsubo ng spaghetti.

He tapping his finger on the table while continue humming. Prenteng nakadekwatro siya habang ang kanyang kanang braso na nakaakbay sa upuan ko at iniikot ikot sa daliri niya ang ilang hibla ng buhok ko.

Tapos na siya kumain dahil burger and coke lang ang inorder niya. Actually kakatapos niya lang kumain sa bahay nila pero bumili pa rin siya ng pagkain niya para may kasabay ako.

Pilit kong pinakinggan ng mabuti ang kantang hinahumm niya, pasimple pa akong lumapit sa kanya ng bahagya para marinig ng maayos iyon.

Nacucurious kasi ako, tsaka feeling ko favorite song niya iyon dahil paulit-ulit niya iyong kinakanta the whole time na makapasok kami rito.

"What are you doing? Kumain ka nga ng maayos diyan, ang payat payat mo na nga ang liit liit mo pa." agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Natawa siya kaya hinampas ko siya sa braso.

"Bawiin mo ang sinabi mo, Jan Daniel! Grabe kana sa akin, ha! Payat payat na nga liit liit pa! I hate chu!" inis na sabi ko ngunit sa huli ay nagpacute.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon