CHAPTER 9

43 14 0
                                    

CHAPTER 9

Zk Ramos

It's sunday today and I have nothing to do. Ang tahimik ng bahay dahil nasa work na naman sila Mommy and Daddy, my two brothers is living in manila and they are so busy because of study and work.

I am inside of my room, staring at the ceiling and thinking about something... something na pwede kong magawa ngayon araw. Nakakailang beses na buntong-hininga na ako at nakakailang ulit na check na ako cellphone ko but still, nothing got my interest!

Hmm... what to do?

"Should I wash my own clothes? Hmm... i-arrange ko nalang kaya 'tong kwarto ko? Ay, kakaayos ko lang pala. What if... 'yung kwarto ni kuya? Hmm..." pagkakausap ko sa sarili ko at napangiti agad dahil sa huling sinabi ko.

Masaya akong bumangon sa pagkakahiga sa kama ko saka inayos ang nagulo kong buhok dahil sa pagkakahiga.

"Tama! Baka nangangalawang na ang kwarto ng dalawang 'yon..." ngiting bulong ko 'saka lumabas ng kwarto ko.

Una kong pinasok ang kwarto ni kuya Zack. Ang playful and badboy looking kong kuya but, he is a goodboy. Yes, he's a good boy mukhang lang hindi.

I laughed with my thoughts bago tumawag sa intercom na nakakonekta sa maid's quarter. Nanghingi ako ng panglinis at pinadala iyon sa kwarto ni kuya Zack.

"Pwede naman kami na ang gumawa niyan na bata ka. Mapapagod ka lang diyan tapos may pasok ka pa kinabukasan, naku!" sabi ni manang pagkaabot ng gagamitin ko.

Napanguso ako, "Eh, manang, bored na bored na po ako. Tsaka kering keri lang 'to, para makapagpahinga na rin po kayo sakaling linis day na ng kwarto ng dalawang kuya ko." sagot ko.

Napakamot si Manang sa ulo, "Haynaku, papatulungan kita sa—"

"Manang naman, kaya ko naman po—"

"Oo at kaya mo ngunit ayokong mahirapan ka at may pasok ka pa bukas. Hindi lang basta basta ang laki ng kwarto ng dalawang kuya mo kaya tutulungan ka ng Ate Linda at Ate Cin mo. Makinig ka sa akin, Ziel dahil concern lang ako sa alaga ko. Ayokong nahihirapan kayo rito sa bahay, para saan pa't nandito kami para maging gabay niyo sa bahay 'diba? Osiya manonood lang ako ng soap opera. Wag na matigas ang ulo at kukurutin ko 'yang singit mo." istriktang putol nito sa sasabihin ko kaya napalabi nalang ako ag napatango.

Nakakatakot talaga minsan si Manang, "Opo manang... pahinga na po kayo, baka mamaya sumakit na naman likod niyo, hehe..."

"Aba't hindi pa ako sinasakit—Aray! Jusko! Jusmio! Aray!"

"Manang! Kakasabi ko lang, eh." nagaalalang nilapitan ko siya at inalalayang makaupo sa kama ni kuya Zack. Tinawag ko sa intercom ang dalawa pang kasambahay namin at pinaakyat agad ang mga ito.

"Haynaku, manang! Dapat nakikinig kayo kay Mommy, eh. Ilang beses na no'n binilin na pumunta ka sa hospital na pinagtratrabahuan niya pero hindi pa rin po kayo nagpupunta, puro gamot lang sa botika ang iniinom niyo, talagang sasakitan pa rin, ho kayo niyan dahil hindi natitignan ng specialista." nakapamewang ako sa harap niya at napabuntong-hininga nalang ako sa huli. Ang mga matatanda talaga ang titigas ng ulo! Gosh!

"Aba't bakit parang nagkabaliktad na tayo aber? Ako dapat ang nangangaral saiyo, dine." buntong-hininga nitong sagot. Napasapo nalang ako sa noo ko. God! Tatanda ata ako ng maaga dito kay manang!

Nang makapunta na rito sila Ate linda at Ate Cin agad na tinulungan ni Ate Linda si Manang patungo sa kwarto nito para makapagpahinga. Kami naman ni Ate Cin ay direktang naglinis na ng kwarto ni Kuya Zack.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon