CHAPTER 31

32 4 0
                                    

CHAPTER 31

Zk Ramos

"Wait a sec..." napa-angat ako ng tingin kay JD. May binunot siya sa kanyang bulsa at napanguso nalang ako ng makitang cellphone niya iyon na nag vivibrate. Istorbo. 

Ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinatakan iyon ng dalawang beses na halik bago ipinikit ang mata habang siya naman ay sinagot ang tawag.

I know it's not right hearing others conversations, but I think JD's okay with it dahil hindi na rin naman siya nag abalang lumabas ng van para sagutin ang tawag.

Agadang tumaas ang kilay ko nang marinig ang isang hindi pamilyar na pangalan. Kilala ko na ang buong pamilya ni JD maliban sa iba pa niyang kamag-anak kaya naman agad tumaas ang kilay ko, 360 degree nang marinig ang pangalang hindi pamilyar at pangalan pa ng babae! Or pwede ring lalaki?

I've never been this so possessive but when it comes to Jan Daniel I am being so possessive. But, more on jealous when we are talking about this so called 'childhood' friend of him.

I don't know why, but I am smelling something fishy with that girl. Palihim naningkit ang mata ko.

"Uh, no. I'm not in our house, keith... with my friends, why? Oh, sorry but maybe next tim—" natigil si sa pagsasalita nang kurutin ko siya sa tagiliran. Napaigtad siya't sinamaan ako ng tingin ngunit ng makitang nakanguso ako, ngumisi siya't pinindot ang ilong ko.

"Uh, keith, I gotta go, sorry, bye!" nawala ang nguso ko at napalitan ng ngisi nang tapusin niya ang tawag.

"Sino 'yun? Is it a boy or a girl?" He chuckled to what I've said and he pinched my cheeks. Umalma ako at hinawakan ang kamay niya.

"Ano 'yan, parang nagtatanong ka lang kung babae o lalaki 'tong nasa sinapupunan ko, ah!"  natawa ako't hinampas siya sa balikat.

"Duh! Ikaw ba ang magdadala ng anak na 'tin?! It should be me!" aniya ko at muli siyang hinampas at tumawa.

Sa mga ganitong pagkakataon dapat nag aalala na ako na baka maghinala na sila kuya ngunit dahil sa presensya ni JD at sa tagpo naming ito, lahat ng worries ko ay naglalaho na siyang napapalitan naman ng kapayapaan mula kay JD.

Para bang dahil nandito siya't nasa tabi ko ay hindi ko na kailangan pang mag-alingan at mag-alala. Na para bang siya na ang bahala sa lahat dahil handa siyang protektahan't alagaan ako.

Gano'n ang feeling kapag kasama ko siya.
Iba... Iba sa lahat ng nakarelasyon ko na. Iba... iba sa naramdaman ko na.

I felt more alive when I'm with him.

And that's the best feeling I've never been felt.
"What?" sipat ko ng hindi na siya nagsalita bagkus ay tanging naramdaman ko nalang ay ang titig niya.

Nilingon ko siya at agad nagtama ang tingin namin. Mapaglaro ang kanyang pagtingin ngunit nababakasan iyon ng munting galak, kasabikan at pagpipigil.

Ang kanyang labi ay siyang mapaglaro rin ngunit pilit niya iyong tinatago sa pamamagitan ng pagkagat labi.

"Bakit... bakit ganyan ka makatingin? It's awkward you know..."

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon