CHAPTER 19

29 8 0
                                    

CHAPTER 19

Zk Ramos

"Ouch!" sambit ko ng maramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa sahig.

Ang sakit ng ulo ko, ang sakit ng bewang ko sexbomb, sexbomb. Chars! Ilang segundo pa akong natulala sa sahig, iniisip kung panaginip lang ba 'yung lalaking bumuhat sa 'kin. Iniisip kung totoo ba ang lahat ng nakita ko sa kanya, iniisip kung totoo bang may bumuhat sa akin na mala prinsipe ang kagwapuhan at mala greek god ang katawan.

Brown eyes, Kissable Lips, thick eyebrows, well defined jaw line, and his dimple on his right cheek. Ang tibok ng puso niya ay sumasabay sa tibok ng puso ko. Ngunit panaginip nga lang ba iyon? It feels surreal. I felt his body against mine and I can hear my heartbeart and his like it's all real. Tila ba'y nagkakasundo ang bawat tibok ng puso namin.

Should I ask my friends? Sila lang naman ang huli kong kasama, diba? Damn! Feeling ko talaga totoo 'yun pero ayoko namang mag assume mamaya pagtawanan lang ako ng mga kaibigan ko.

Ngunit... paano ako nakauwi kagabi? Nakapag drive pa ba ako? or... may nag hatid sa 'kin?

Napabuntong hininga ako at wala sa sariling napahawak sa dibdib.

'Finally, you're in my arms now...'

Ang baritong boses na iyon... parang may kirot akong naramdaman sa puso ko and at the same time happiness and... longing?

Iba ang epekto no'n sa akin na natutulala ako ngayon at nagagawa akong mas lalong lasingin. Ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover ay mas lalo kong naramdaman iyon dahil sa pag-iisip sa misteryosong lalaking iyon.

Nagising ako sa pagkakatulala sa kisame ng pabalikwas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"What the f*ck are you doing there, Ziel Akasha!?" kunot noong tanong ni Kuya Zack na nakapagpaawang ng labi ko.

Omygod, totoo ba itong nakikita ko? Pinikit-pikit ko ang mata ko at nang makita pa rin si Kuya Zack sa harap ko ay napabalikwas na agad ako ng bangon.

"K-Kuya?"

Pumamewang siya sa harap ko. "Anong ginagawa mo riyan sa lapag? Umayos ka nga riyan at baka 'di kita matantya." seryosong anito. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin.

Anong ginagawa niya rito? Umuwi siya? Pero kakaalis niya pa lang, ah. Tsaka busy kaya siya, e anong ginagawa niya rito?

"Hmm... alam mo ba ang ginawa mo kaninang madaling araw?"

Inayos ko ang kumot na nagulo pati na rin ang unan pagkatapos ay umupo ako sa kama ko habang siya naman ay humalukipkip sa harap ko.

Ngumuso ako at umiling.

"Alam mo bang lupaypay na kayong mag kakaibigan sa kalsada ng madaling araw, ha? Kung hindi pa kami dumating--"

"Ano!?" gulat na putol ko sa kanya, "D-Dumating kayo? May kasama ka? Sino? May Lalaki ka bang kasama k-kuya?" nanlalaki ang mata ko.

Oh my god... Paano kung...

Inis na ginulo niya ang buhok. "Tsh! Nevermind."

"Pero, kuya! Sino nga? Lalaki b-ba?" muli kong tanong.

"Ewan, mag ayos kana nga ng sarili, ang panget mo." pang-aasar niya at tatalikod na sana siya ng hawakan ko ang palapulsuhan niya.

"Kuya, please? Ba't ayaw mo ba sagutin? Mahirap bang sagutin tanong ko?" naka ngusong tanong ko. "Wala kasi akong maalala kagabi, I mean, kaninang madaling araw, nag- alala ako sa mga kaibigan ko. Malay ko ba kung naka uwi ba sila ng ligtas, lalo pa't 'yung mga babae tapos bakla pa 'yung isa sa 'min tapos pare-pareho kaming lasing. Hay, sino kaya 'yung mga tumulong sa kanila? Mabait naman ba? Mga tao ba 'yung mga 'yun? Hay... grabe, nag-aalala na talaga ako tapos... tapos ang sakit pa ng katawan at ulo ko... oh my god!" hinilot ko ang sintido, batok na pinatunog-tunog ko pa kahit walang namang tumunog. Yumuko ako at ngumuso, aktong papaiyak na.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon