CHAPTER 5

43 15 0
                                    

CHAPTER 5

ZK Ramos

Hindi ko alam kung paano ako naging matatag. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan lahat ng sakit.

Basta umiyak at iniyak ko lang lahat nang sakit at pagkatapos, ibinangon kong muli 'yung sarili ko.

Itinago ko lahat ng sakit.

Mahirap pero wala kong choice. Minsan kasi, 'yung sarili mo nalang talaga yung makakapitan mo.
'Yung sarili mo nalang yung malalapitan mo, 'yung maiiyakan mo, 'yung madadamayan mo at 'yung makaka-pag pabangon ulit sa sarili mo.

After nung kay, John and JD natakot na akong magmahal muli. Magpapasok at nagkwento ulit ng buhay ko sa kanila. Natakot at napagod na ako kasi balik na naman ako sa simulan kaya 'eto ng magmahal muli ako, doon na sa taong kilala ako at kilalang kilala ko... kaso...

"Si Gail nga pala, girlfriend ko." ngiting anito ni Jaser na nagpabalik sa katinuan ko.

"Woah, woah! Dude, nagkabalikan na kayo!?" Gulat na sabi ni TJ at nakipag apir kay Jaser. Mayabang na tumango si Jaser at inakbayan si Gail.

Sakit...

"Well, bumigay, eh." pagmamayabang na sabi ni Jaser dahil kung bakit kurutin siya ni, Gail sa tagiliran.

Nanghihina ako...

"Hala! Totoo!? 'Diba, lumabas kayo ni Zk nung sabado? Anyare?" Si Jade na gulat din tulad ko.

Nagliwanag ang mata ni Gail ng narinig ang pangalan ko. Ngayon niya lang ata napansin nandito ako. Nginitian ko siya at kumaway. Ramdam niya ata na parang wala ako sa mood kaya ngumiti nalang siya pabalik at kagat-labing kumaway sa akin at nagtatakang nilingon si Jaser.

Napakamot ng ulo si Jaser sabay tingin sa 'kin.

Hindi niya na ako sinipot, Jade... Malungkot na sagot ko sa isip ko.

After kasi nung hindi niya pagsipot, hindi niya na ako Kinontact. Walang kahit anong pagpapaliwanag. Walang kamustahan, walang sorry. Wala lahat. Naityapwera agad ako.

Tangina ang sakit.

Bumababa ng kaunti ang ulo ni Jaser at bumulong sa kay Gail. Nagiwas ako ng tingin.

Bakit ganun?? Bawal na ba 'kong maging masaya?

"Anyway, I'm Leo but you can call me Lea, nice meeting you, Gail." pagpapakilala ni Lea. Nauna na siya dahil alam niya na ang sitwasyon ko.

"Ah, tama! Hehe, I'm Jade! Nice meeting you!" sunod na pagpapakilala ni Jade.

Tinanggap ni Gail yung kamay ng dalawa.

"And I'm the handsome, Timothy Liamco. Finally, naipakilala ka na rin ng torpe na 'to."

Gusto ko lang makaramdam ng may nagmamahal at may nagaalaga sa akin, mahirap bang ibagay 'yun lord?

"Hello..." Nahihiyang aniya ni Gail at nakipagkamay na rin.

"And this is, Ziel." aniya ni Jade dahil pansin niyang wala kong balak na magsalita.

Nakangiting tumango tango si Gail, "Yup, I know her. She's my classmate and we're friends." sabi ni, Gail. "Ghad, I can't believe na friends pala kayo nitong si Jaser." aniya sabay hawak sa braso ni Jaser. Ngumiti ako ng tipid.

Gusto ko nalang umuwi't mapag isa.

"Y-Yeah..." nangilid ang luha ko kaya naman kinuha ko na agad mga gamit ko at nakatalikod na nag paalam.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon