CHAPTER 17

27 9 0
                                    

CHAPTER 17

Zk Ramos

Tulala ako pag pasok ko sa room namin. Hindi ko nagawang tignan o ngitian man lang ang dalawa. Masyado akong gulat. Masyado akong nawala sa sarili dahil sa nalaman ko at hindi ko inaasahan iyon.

Ang buong isip ko ay pinuno ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung paano ako nakasagot, nagkapagsulat ng notes, at nakinig ng siya ang iniisip ko. Buti nalang talaga nakapag advance reading ako.

'Yung feeling na nag aaral ka nga pero iba ang nasa isip mo. Iba ang umuukupa no'n at hindi ko alam kung okay lang ba iyon. Para akong robot na gumagalaw lang pero nasa iba ang isipan. Iba ang nagpapatakbo. Sa iba umiikot.

Tama si JD. Marami akong tanong ngayon. Marami akong iniisip at sobrang naguguluhan ako. Paano niya nakuha ang number ko? Paano niya nalaman ang tungkol sa akin gayong hindi naman lahat ng info ko ay nasa twitter ko at naka private iyon? Naka private din 'yung facebook at instagram ko. Paano niya nagagawa sa'kin ito? Paano niya nasasabi ang lahat ng iyon? Natatakot ako sa kanya pero alam kong wala siyang masamang motibo para sa 'kin dahil kilala ko pa rin siya. Nakausap at nakilala ko pa rin siya noon.

Ano ba talagang kailangan mo sa 'kin, JD? Umalis kana, eh. Nawala ka nalang bigla sa buhay ko tapos magbabalik ka ngayon at sasabihin miss mo na ako? Bakit kailangan mo pang bumalik at guluhin ang buhay ko? Ang isipan ko?

Matapos kong mabasa ang text niya ay agad ko itong blinock. Hindi ko kaya, eh. Ayoko nang makapasok siya ulit sa buhay ko dahil baka maulit na naman 'yung nangyari noon. Baka iwan niya na naman ako at baka mas lalong akong masaktan sa pagkakataong iyon.

"Girl, okay ka lang ba?" hindi na napigilan magtanong ni Aira.

Nandito kami ngayon sa field. Nakatambay sa isa sa mga benches doon. Walang 'yung prof namin sa last subject kaya tumambay nalang kami dito habang nagaantay na magsi-uwian ang lahat. Ewan, tinatamad pa kaming umuwi, eh kahit pwede na naman na.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko nga alam, eh. Parang ang bigat...ang bigat tapos makirot." Sagot ko. Nakita ko ang bakas ng lungkot sa kanya. Ramdam kong napalingon sa akin si Gail dahil sa sinabi ko. Katabi ko siya habang si Aira ay nasa harap namin.

Nakapangalumbaba ako at tipid na ngumiti. "Remember the guy who ghost me?"

"The f*ck...?" gulat na bulong ni Gail habang si Aira naman ay nanlalaki ang mata sa akin.

"Oh my god! W-What happened? Bumalik ba? As in?" nagaalalang tanong niya.

Napanguso ako at tipid na tumango, nag-iwas ako ng tingin sa kanila nang sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "S-Siya 'yung lalaking nakakatext ko ngayon...I mean these past few days... At first I don't really know him, basta nagulat nalang ako isang araw may stranger nang nagtetext sa akin at nagsasabi ng kung ano-anong mabubulaklak na salita and..."

"And?" magkasabay na tanong nila.

Huminga ako ng malalim at pinunsan ang luha ko. Umayos ako ng upo at nakayukong nagpatuloy, "And... I find it creepy because he knows somethings about me. He's talking to me like he really knows me to well a-and damn! S-Siya pala kasi 'yung lalaking nang-iwan sa akin noon. Tangina lang... b-bakit bumalik pa siya tapos... tapos bakit gano'n? Ang dami niyang alam sa akin na mas lalong nakakapagpagulo sa isip ko... na mas lalong nakakapuno ng iba't ibang katanungan sa isip ko. Fvck, I don't know what I am going to do about this!" Napahilamos ako sa mukha ko at pinunasan na rin ang luha. Huminga ako ng malalim at sinabunutan ang sarili ko saka ako yumuko sa lamesa. Pilit itinatago ang mukha sa dalawa.

"Oh my god... Goosebumps! And damn! The audacity of that guy!" inis na komento ni Aira at bahagyang pang hinampas ang mesang bato. Sakit pa naman no'n. Napailing ako at napanguso.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon