CHAPTER 11

44 13 0
                                    

CHAPTER 11

Zk Ramos

It's sunday again and this is the day that I'm doing a favor from Jeric.

I am wearing high waisted maong short and a pink crop top and I partnered it with pink sling bag and pink 3 inches sandals.

Today, I'm the girl in pink. I gigled with my thoughts.

"Manang, kayo na po munang bahala kay Ely. May pupuntahan lang po ako." bilin ko nang makababa sa hagdanan.

"Oh, gano'n ba? Sige-sige, walang problema,hija, Mag-iingat sa pagmamaneho..." tumango tango ako.

Hinalikan ko muna si Ely sa tuktok ng noo niya bago lumabas ng bahay.

Ang usapan namin ni Jeric ay dadalawin ko muna si Keila bago namin simulan ang palabas na nagdadate kami, so here I am, 10 am in the morning and on the way in Keila's house.

Tinignan ko ang cellphone ko na hawak ko nang maramdaman ang pagva-vibrate no'n at nakita ko na tumatawag si Jeric.

"Hello?" sagot ko habang naglakad na papunta sa kotse ko na nasa garahe.

"Nasaan kana? Sensya na talaga, Zee may practice game kami ngayon, eh. Kita nalang tayo sa starbucks mamaya. Treat ko. Yung letter wag mong kakalimutang ibigay, ha? Sabihin mo next week nalang kami lalabas.Bye!" dali daling anito at agad ding binaba ang tawag. Bumusangot ang mukha ko.

Ang kapal! Dapat ako ang magbaba dahil ako ang babae! Napaka-ungentleman talaga. Tsh.

Agad na 'kong nagtungo sa address na binigay sa 'kin ni Jeric. Sabi niya sa 'kin grounded daw si Keila at hindi hinahayaang makahawak ng cellphone. Tanging ang Yaya lang daw nito na suportado ang pagiibigan nila ni Keila ang tanging nagiging tulay nila para maka pag usap sila sa pamamagitan ng sulatan.

Sinauna lang ang peg, huh!

Bilib talaga ko sa lalaking 'to. Lahat gagawin para sa taong minanahal. Sana all!

Kailan ko kaya makikilala 'yung taong gagawin ang lahat para lamang sa 'kin? Napabuntong-hininga ako. Don't be a senti here, Akasha!

Nagpatugtog ako habang tinatahak ang daan papunta sa bahay nila Keila habang nag-iisip ng sasabihin ko.

Alam na ni Keila na dadating ako para magpanggap na kaibigan niya. Naisulat na iyon kahapon ni Jeric savkanya kaya wala na 'kong proproblemahin kundi ang mga sasabihin ko sa Daddy ni Keila.

Keila informed Jeric that every sunday is their family day, so it means her Dad is in their house right now. And that was the reason why I am so nervous right now! Imagine, I will be facing the governor? Goodness!

"Is my love too much?
Is it just enough for you, for you?
'Cause it's getting late, would you like to stay
'Cause I'm bad at reading signs~~" Pagsabay ko sa kanta ni Lauv.

Nawala ang pagiisip ko tungkol sa sasabihin ko sa Daddy ni Keila dahil sa kanta.

Nabaling sa iba ang isip ko dahil sa kanta.

'Is my love too much?'
'Is it just not enough for you?'

Pero sa huli ay inilingan ko nalang ang mga tanong. Kanino ko ba maaaring itanong ang mga yan? Wala na. Tapos na. Iniwan na 'ko. Iniwan na 'ko nung mga taong inalayan ko ng pagmamahal.

Rupok mo rin kasi, self.

Kumakanta lang ako habang nagdadrive nang marinig kong humina ang tugtog dahil may nag text sa cellphone ko. Nakakunekta kasi iyon sa player ng sasakyan ko.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon