CHAPTER 7

41 15 0
                                    

CHAPTER 7

ZK Ramos

"Di biro ang sumulat ng awitin para sayo
Para akong isang sirang ulo, hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano
Tikladoy pilit nilaro
Baka sakaling merong tono
Bigla na lang umusbong~~"

Mahirap pakawalan 'yung taong una mong minahal. Mahirap pakawalan 'yung taong tanging kinababaliwan mo.

Mahirap. Sobrang hirap.

Tipong, naka kulong na sa isipan mo na siya lang dapat yung kasama mong tumanda. Siya lang 'yung dapat na aalagaan mo, pagsisilbihan mo at mamahalin mo.

Mali rin kasi talaga ko dahil kinulong ko sa isipan ko na maaari pang mangyari 'yon, na baka pwede pa, na baka may pagasa pa.

Siya 'yung unang crush ko, yung tanging lalaki na hinahangaan ko bukod sa Daddy at mga kuya ko.

Siya 'yung gusto ko bata palang kami. Siya 'yung gusto ko na maging akin.
'Yung susunduin ako sa school, dadalhin ako sa romantiko na mga dates, yung tutulungan ako sa pagaaral, imomotivate ako, 'yong sasamahan at aalagaan ako kapag may sakit ako.

Siya yung gusto kong titigan na hanggang titig nalang talaga.

Bawal hawakan kasi pagmamayari na nang iba.

Bawal lapitan kasi baka magalit yung girlfriend niya.

Bawal na lahat ngayon.

At naiintindihan ko na 'yon ngayon...pero masakit pa rin.

Ngayong gabi, gusto kong mawala na siya sa sistema ko. Pero ano tong kinakanta ko?

"Araw-gabi
Nasa isip ka, napapanagip ka
Kahit san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa~~"

Mag-isa lang ako rito sa nirentahan kong videoke house. Puno puno ito ng iba't ibang mga alak at pagkain. Dito ako dumeretso dahil hindi pa ako handa sa katanungan nila Jade.

Gusto ko rin munang mapagisa kaya dito ko naisipang pumunta. Pumupunta na kami rito nila Jade dati kapag gusto naming mag bonding tapos magkantahan kaya alam ko ang lugar na 'to.

Tinungga ko muna ang hawak ko na San mig bago tinuloy ang pagkanta.

"Biruin mong nasabi ko
Ang nais kong ipahatid
Dapat mo lamang mabatid
Laman nitong dibdib
Tila sampung daang awitin
Matapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin tanggapin at dinggin~~"

Kakasabi ko lang na kakalimutan ko na siya pero ba't ganito ang kinakanta ko?

Lasing na ba ako? Araw-gabi? Really?

Napabuntong-hininga ako. Paano ba ako makakalimot? Paano ba ako makakausad?

Paano kung ga'yung araw at gabi siya lang ang naiisip ko?

Paano!? Paano!? Paano!?

Last na'to...

Promise.

Hindi na 'ko masasaktan. Hindi na ako iiwanan. Hindi na ako maloloko. Pangako...

Sila naman ang maghahabol sa 'kin.
Sila naman ang iiyak dahil sa 'kin.

Sila naman...

Dahil tapos at pagod na 'ko sa ganyan.

"Araw-gabi
Nasa isip ka, napapanagip ka
Kahit san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa~~~"

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon