CHAPTER 20

32 8 3
                                    

CHAPTER 20

Zk Ramos


Nang masilayan ka agad kong ibinaba ang badera.
Agad akong natulala at sinabing ikaw na.
Namumukod tangi ang iyong ganda, Namumukod tangi ang iyong postura,
At namumukod tangi ang pagtibok ng puso ko nang araw na masilayan ka.

Para kang isang gamot. Nakakalma, nakakaginhawa ngunit pagnasobrahan ka, nakakasira sa sistema.
Masarap sa pakiramdam, ngunit maraming hadlang.
Maraming bawal, lahat hindi maaari...
Dahil sa milya milyang layo mo sa akin.

Kung uulitin man ang oras ng masilayan ka,
Araw-araw ko iyong papangarapin,
Araw-araw kong ipagdadasal na bumalik ang oras na iyon at hindi na matapos pa dahil iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko... ang masilayan ang babaeng mamahalin ko.

Nangugulila ako sa 'yo at minsan pa nga ay nagdadalawang isip.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay at kahit ibaling ko pa ang pagtingin ko sa iba, patuloy mo pa rin akong nahihila.

Binigyan ako ng diyos ng pagkakataong makausap ka, masabihan ka at makakuha man lang ng kahit kaunting detalye na mula sa 'yo.
Akala ko magiging okay na, ngunit napakamapaglaro talaga ng tadhana dahil inilayo ka na naman niya sa akin.

Kasalanan ko rin naman dahil naniwala ako sa pangalawang pagkakataon ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan ang pangalawang pagkakataong iyon? Hanggang kailan ako mananatiling hindi gumagalaw, hindi mo nakikita, nararamdaman at nahahagkan?

Sawang sawa na ako sinta, gustong gusto na kitang makita sa bisig ko. Tang'na.

Sawa na akong nasa malayo lang at nakatanaw sa larawan mong kupas na ninakaw ko lang rin sa kuya mong hilaw.
Sawa na akong makipaglandian sa kung sino man at nakakonsensya dahil ikaw lang rin naman ang aking nasisilayan.

Sana maging okay ka sa paglayo ko.
Sana maging okay ka sa pagbalik ko.
Dahil nangangako akong babalik ako sa 'yo.
Babalik ako sa 'yo at sisiguraduhing may ipagmamalaki na ako. Na may maihaharap na ako, at sa pagbalik ko... humanda ka...

dahil ikukulong talaga kita...

aking sinta.

-Mathew

I closed the first book and stared at it for a while. Pilit na prinoproseso ang lahat at pilit na kinakalma ang sarili.

Everything that written on that book is like a masterpiece for me. I always gave everything a double meaning like it's really meant for me, but at the end I would stop myself because truly, we're different.

"Yeah. We're different. I am different and she is to. I am real and she's not. That story is not meant for me. It's meant for everyone. Alright?" pagpapaalala ko sa sarili ko. Ayokong mag-isip muna ngayon at ayokong humantong ang pagiisip ko sa lalaking iyon.

Napakamisteryoso niya at kahit pilitin ko ang sarili ko na huwag ilagay ang sitwasyon namin noon sa kwento ay hindi ko magawa. Hindi ko mapigilan lalo pa't ang huling bahagi ng akda ay sulat ng lalaking bida sa babaeng malayo sa kanya.

Ngayon, paano ko pa mapipilit ang sarili kong hindi ialay sa amin ang kwentong iyon?

Everything is makes sense ngunit bakit niya ba ito ginagawa?

Alright, sige, sabihin na na 'ting hindi nga tugma ang ilang bahagi sa akda ngunit bakit? Bakit siya bumalik at nagpadala ng kung ano-anong gamit na mas lalong makakapagpagulo sa akin?

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon