CHAPTER 14

25 8 0
                                    

CHAPTER 14

Zk Ramos

Jan daw:

Good morning! Hope you're feeling well. Don't forget to eat your breakfast, lunch and dinner. It's our busy week so baka mamayang gabi na 'ko makapag text. skl, babe.

Jan daw:

Kahit isang reply lang, babe. Isa lang, okay na 'ko.

Jan daw:

Sorry, am I scaring you? Sorry.

Jan daw:

I need to go. Text you later. Bye. :*

That's his text na nabungaran ko ngayong umaga. It's already 8 am so dumeretso na 'ko sa banyo dala dala ang cellphone ko. Panay ang tunog ng cellphone ko because of notifications at hinayaan ko lang 'yon.

I did my morning skin care routine and I brush my teeth. Mamayang 10 am pa ang pasok ko dahil sa mamaya pa raw, eh. Chars! Nag chat 'yung dalawang prof namin sa gc na may seminar silang pupuntahan that's why dalawang subject sa umaga ay wala kami. Gumising lang ako ngayon ng maaga dahil sa aalis na ngayon si Kuya Zack pa-manila. Sad.

Nagdadalawang isip na talaga ko tungkol sa lalaking nanggugulo sa'kin. Hindi ko alam kung paano pero pati isip ko ginugulo niya. Sumasakit ang ulo ko sa twing iisipin ko siya pero alam ko na may parte sa 'kin na gusto ang gano'n pakikitungo niya. Na gusto pa siyang makilala at kilalanin ngunit inuunahan ako ng takot na baka maulit na naman ang lahat.

Naguguluhan ako, Natatakot ako. Halo halo ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung may makakatulong ba sa 'kin sa sitwasyon ko na 'to. Hindi ko siya kilala pero kung makipag usap siya parang kilalang kilala niya ako. Kung mag-alala siya parang isa akong babasaging krystal na pagmamayari niya na ayaw niyang maagaw ng iba at magalaw man lang.

Hindi ko siya kilala. Wala man lang akong alam sa kanya, pero sh*t bakit parang kilalang kilala niya na talaga ako na imbis na matakot ako minsan sa kanya ay parang may humihila rin sa akin minsan na hayaan ang koneksyon namin?

Argh! This is so frustrating! What should I do to that man? I don't even know him at binabaliw niya ko ng ganito.

Napadiin ang pagtotoothbrush ko dahil sa mga iniisip kaya naman tinigil ko na.

Inipit ko sa bun ang buhok ko at bumaba na para makapag agahan kasama sila.

"Morning!" bati ko.

I kiss everyone on thier cheeks then I sat down beside kuya Zack.

"Good morning! how are you feeling, bunso? Okay kana ba? Wag masyadong magpapakatutok sa school works. Alam mo bang ganyan din ang mommy mo dati? Kung hindi pa 'ko dadating sa buhay niya noon hindi niya siguro ma-e-enjoy ang college days niya." ani Daddy na nakapag patawa sa 'min. May pinagmahanan talaga ang mga kuya ko.

Umismid si mommy sa tabi ko. "Ang kapal, eh ke aga aga binuntis mo agad ako. Kung kailan graduating ako tsaka mo 'ko hinarot. Anong enjoying doon, Samuel?" sagot ni mommy.

Natawa kaming lahat.

"Wow! Grabe enjoying talaga 'yon, Dad! Masubukan nga."

"HINDI!" sabay na sagot ni Mommy at Daddy kay Kuya Zack na nakapagpatawa na naman sa 'min.

"Subukan mo lang, Zack Andrei Ramos at matitikman mo ang natikman ng Daddy niyo sa lola't lolo niyo. Magtapos muna kayong dalawa. Magpakayaman muna kayo bago kayo gumaya sa kuya Zaiden niyo. Wag kayong gagaya sa 'min ng Daddy niyo dahil hindi porke't may kaya tayo ay magagawa niyo 'yon. Mahirap ang pinagdaanan namin no'n bago namin narating itong ngayon. Mahirap at ayaw naming maranasan niyo iyon." pangangaral ni mommy.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon