CHAPTER 6

40 15 0
                                    

CHAPTER 6

ZK Ramos

Nagtaxi lang ako papunta kila Jaser at
Ilang ulit ako bumuntong hininga dahil sa sobrang kaba. Pagkatapos ng gabing ito papalayain mo na ang sarili mo sa lahat ng sakit.

Sana wag akong maiyak.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin pagkatapos ng gagawin kong pag-amin.

Pero patuloy akong masasaktan at hindi makakalaya kung patuloy ko ring itatago ang nararamdam ko.

Bahala na.

Biglang pumasok sa isip ko si Jade. Ang bestfriend ko na walang ibang ginawa kundi damayan at samahan ako. Napaka selfish ko. 'Di ko man lang naisip na nasasaktan din siya dahil sa nangyari sa kanila ni Harold. At mas lalo siyang nasasaktan dahil sa nakikita niyang nasasaktan ako.

Napakawalang kwenta kong kaibigan. Masyado kong inisip yung pansariling sakit na nararamdaman ko. Hindi ko inisip yung mga tao sa paligid ko na minamahal ako.

Napakagaga mo, self.

Ilang oras lang nakarating na ako sa village nila Jaser. Itinuro ko yung mismong bahay at agad na bumaba sa tapat ng gate nila.

Nag dorbell ako at naghintay. Mag dodorbell na sanabulit ako dahil sa tagal lumabas ng kung sino man ng marinig ko ang boses ng taong hinahanap ko mula sa likuran ko.

"Zk? What are you doing here?" nagtatakang anito.

Humarap ako at ngumiti ng tipid sa kanya.

"C-Can we talk?" kinakabahang tanong ko. Kita kong natigilan at nagtaka panadalian ngunit sa huli pumayag din siya.

"Okay, sure." Ngumiti siya at naglakad hindi papasok sa bahay nila kundi papunta kung saan una kaming nagkakilala, kung saan kami lumaki, kung saan inamin ko sa sarili ko na mahal ko na siya.

Sa park.

Umupo kami sa swing at sandaling binalot ng katahimikan.

Siguro masaya ako sa mga oras na ito dahil kasama ko siya. Nasa tabi ko siya at tahimik na pinagmamasdan ang kanina pa palang nakalubog na araw at siyang kadiliman na buwan nalamang ang naghahari. Pero hindi ko magawang maging masaya ng matagal dahil alam kong sa sandaling magsimula ang isa sa amin, doon na matatapos ang lahat ng sa amin.

Kala mo talaga may namamagitan sainyo, eh, ni siputin ka nga sa lakad niyo hindi niya magawa! Bitter na sabi ng isip ko.

"I'm sorry." Panimula niya na ikinagulat ko.

Hindi ko akalaing siya ang maguumpisa. At hindi ko akalaing paghingi ng tawad ang unang mamumutawi sa kanya gayung ilang araw na ang lumipas nang hindi niya ako siputin.

Natawa ako. Sarkastiko na may pait.

"Wala na 'yon, tapos na, e. Nangyari na at 'wag kang magalala hindi ako humihingi ng eksplenasyon."

Dahil alam kong si Gail ang dahilan kung bakit hindi ka sumipot.

"Still, I'm sorry."

"I love you." tanging nasagot ko dahilan upang matigilan siya. Nangilid ang luha ko at tumingala ako upang mapigilan ang tuluyang pagbasak no'n.

"I love you, kahit ang sakit sakit na..." pagpapatuloy ko, "I love you, kahit hindi mo makita. I love you, kahit ang manhid, manhid mo, I love you kahit nasasaktan ka dahil sa kanya, I love k-kahit may girlfriend kana, I-I-love you even if you can't love me back." Tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Hindi ko na napigilan at nauwi iyon sa paghikbi.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon