CHAPTER 26

26 6 2
                                    

CHAPTER 26

Zk Ramos


"Saan ka pupunta?"

Nilingon ko si Kuya Zack habang nagaayos ng hikaw sa tenga.

"Uhm... kila Aira, why?" nag-iwas siya ng tingin.

"Wala lang. Pupunta sana mga kaibigan ko dito. Chill and tambay lang." napaismid ako.

"Oh, paki ko?"

"Ziel Akasha!" seryosong tawag niya sa akin. Napabuntong-hininga ako.

"Fine. Go, chill here all you want. I need to go now. Mamimili pa kami ni Aira ng mga kailangan namin para sa trip naming magkakaibigan." lalakad na sana ako ng bahagya niya itaas ang kamay niya upang pigilan ako at pumamewang.

"Wait! What? Where? Why I didn't know about this? Fvcking shit." napaismid at tamad ko siyang hinarap.

"And why would I tell you that?"

"Because I'm your brother?! What if it's not safe that place? I need to do some research about that place para mapanatag kaming pamilya mong maiiwan." umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya, hindi makapaniwalang nilingon ko siya.

What the hell? Anong pamilyang maiiwan?! Ano ako magiibanh bansa? God! Kuya Zack is unbelievable! Buti pa si Kuya Zaiden hindi gaanong paranoid! Mas mukha pa siyang si Daddy at Mommy, e!

Bumuntong-hininga ako at inirapan siya ng makabawi. Fine. Para matahimik siya. "We're going to panglao island." sagot ko at mabilis na umalis.

3 days passed and I never let him see me. But we're still texting, but I always replying with cold and ilag worlds para matapos agad ang text namin. Pero kahit na gano'n hindi iyon nangyayari because he's so talkative and persistent.

Hindi niya hinahayaang matatapos ang araw namin na hindi napapagusapan 'yung tungkol sa babaeng lumambitin sa kanya no'ng araw ng graduation nila.

And fvck! That girl is his kababata pala pero tang'na, galit pa rin ako! Naiinis ako dahil sa inasta ng babaeng 'yon! Naiinis ako kasi hinayaan niyang gano'n!

Pero ilang beses niya namang sinabi sa 'yo na nagulat siya at ikaw agad ang inaalala niya kaya hindi siya nakakalas agad. Anang ng isip ko. Umiling-iling ako.

"I don't care, naiinis pa rin ako. Gago siya."

"Ano 'yon, ineng?" gulat akong napatingin sa taxi driver.

"Po?" gulat na tanong ko.

"Eh, akala ko may sinasabi ka, eh. Sensya na, matanda na ata talaga ako at nakakarinig na ako ng kung ano-ano." I awkwardly smiled at him.

"Ay sorry po. Wala po 'yon. He-he."

"Naku, okay lang iyan, 'neng. Mukha may LQ kayo ni pogi, ah." Gulat akong tumingin sa kanya.

"Po?"

"Si pogi? 'Yung kasama mo no'ng nakaraang nasakay kayo rito. Hindi mo ba ako natatandaan? Tsk! Tsk! Sa edad ko ba namang ito at sa kisig, imposibleng hindi mo ako matatandaan! Tsk! Tsk!" umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya at napakunot-noo. Pilit kong inalala kung kilala ko ba siya.

And who the hell is pogi? Pogi na kasama ko? LQ? What... What the hell!? Pogi na kasama ko na ka LQ ko na ngayon?!

"Ay! Manong na madaldal!" gulat na bulalas ko ng napapreno siya dahil sa traffic.

"Oh, naalala mo na, 'neng?" Natawa siya. "Napakamapaglaro nga naman ng tadhana, oh. Ha-Ha-Ha! Eh, kumusta naman si pogi, 'neng? LQ kayo? Naku! Parang kakasabi la-ang sa 'kin no'n na hindi ka lolokohin, ay! Niloko ka ba? Naku, hindi na makakasakay sa akin 'yon kung sakali man, tsk! tsk!"

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon