CHAPTER 22

27 7 0
                                    

CHAPTER 22

Zk Ramos

I just stared at him in a minute, looking shocked and confused because why now? Bakit ngayon pa siya nagkalakas ng loob na magpakita sa 'kin? Yes! Inaamin ko na na siguradong sigurado na akong siya nga si JD at bahala na kung umasa at masaktan, sanay na naman na ako maninibago pa ba 'ko?

Just say your fvcking full name and this game will be ended quickly.

"Uh, nevermind." I faked my smile saka inabot 'yung makapal na libro sa kaniya.

Gusto niya ng laro? Sige, bibigyan ko siya ng magandang laro na hindi ko pa nagagawa sa paglalaro ng ML. Sasakyan ko siya sa larong sinimulan niya at kahit magpaka- Johnson siya riyan at mag troll nang mag troll sasakyan ko siya.

"Again, thank you."

"You're welcome." swabeng sagot niya.

Nagkapagtataka lang, anong motibo niya at ayaw niyang malaman ko kung sino ba talaga siya? Hindi niya ba alam na ilang buwan ko pinagisipan at pinagtagpi tagpi ang mga ebidensiyang napansin ko? At ngayon sigurado at handa na akong umasa wag lang talaga siya lalapit sa 'kin dahil never ko talaga siyang papansinin!

Akala niya ba hindi ko pa nakakalimutan 'yung basta niya nalang pag-iwan sa 'kin noon? Neknek niya!

Binigyan ko nalang siya ng isang pang fake smile saka nilagpasan siya para makaalis na. Kahit halo-halo na ang nasa isip ko hindi ko pa rin mapigilan ang puso kong 'wag tumibok ng sobrang bilis sa harap niya, hindi ko mapigilan at hindi ko alam kung bakit!

Hindi ko alam kung para saan ang pagtibok no'n ng mabilis sa t'wing nasa isip ko siya at hetong nasa harap ko na siya...

At ayoko nang isipan pa iyon at ngayon pa lang itinatanggi ko na! Iiwas ako sa kaniya. Hindi ako makikipaglapit sa kaniya at hindi rin ako makikipagusap pa sa kaniya.

Katotohanan lang ang gusto ko, nothing more, nothing less.

Pilit kong Iwinaksi ang mga pinagii-isip habang naglalakad papuntang counter. Medyo mahaba ang pila pero keri lang.

While waiting I browsed on my twitter na agad kong pinagsisihan, eh, pa'no ba naman, 'yung mga lintek na spoiler na 'yan ang bumungad sa akin! Bwisit! Iritang irita ako at nakakunot na ang noo habang nagbabasa pa ng ibang tweet, at oo, nagbasa pa ako, nagpatuloy pa ako sa pang iispoil sa sarili ko kahit na nasasaktan at nabwibwisit na 'ko.

Mahirap pigilan lalo na at may nabasa akong nakakaintriga talaga! Lalo na 'yung mga theories na mapanakit? Grr!

Mas kumunot-noo ako ng maramdaman kong may nakatitig sa 'kin mula sa likuran.

I have this feeling that it's that him pero ayokong mag assume right now dahil baka—

Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumingon nalang bigla only to find out that it was really him!

Nasa likod ko siya at agad nagtama ang piningin namin! Umawang ang labi niya dahil sa gulat at saka tumikhim at nag-iwas ng tingin.

Huli ka pogi! este balbon! Ay wait, iba ang takbo ng balbon sa isip ko kaya, 'Huli ka tanga!' nalang.

Pinaningkitan ko siya ng tingin bago ibinalik ang sarili sa ginawa ko kanina.

Pinilit kong magfocus sa mga binabasa kong tweet ngunit ayan na naman 'yung titig na nagmumula sa likod ko.

Napalabi ako dahil sa intensidad no'n. Ramdam ko. Malalim eh, may pinanghuhugutan.

Tumikhim ako, "Staring is rude." sabi ko ng hindi siya nililingon.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon