CHAPTER 25

27 6 0
                                    

CHAPTER 25

Zk Ramos


Sa bukuna ng pinag-gagawaran ng Graduation ay muli kaming nagharap. Tulad ng sabi ko ay gusto kong makaganti kila kuya at magsisimula na ngayon iyon.

Hahayaan namin silang mag-isip nang mag-isip kung ano na nga ba ang status o ang label naming dalawa. Hahayaan namin silang manghula at magbigay ng sari-sarili nilang opiniyon sa amin.

Basta kaming dalawa ni JD ay unti-unti naming aayusin ang sa pagitan namin, unti-unti namin bubuuin at magsisimula kasi sa simula. We will take it slow hanggang sa maging handa na ako o ang tadhana para sa amin.

Alam kong hindi rin magtatagal ay magiging handa na ako. Sa karupukan ko ba namang ito, magpapabebe pa ba ako?

Napailing-iling ako dahil sa iniisip ko.

"You go, first." tumango ako.

"Okay. Uhm... paano tayo maguusap?" namula ang pisngi ko dahil sa deretsahang tanong kong iyon. Tang'na usap agad? Hindi pa nga kayo naghihiwalay, jusko self!

Natawa siya at pinisil ang baba ko.

"Don't worry about it, baby I have my ways." tumango-tango ako.

"Like what you did months ago? Where do you get my number anyway?" nagtaas ako ng kilay.

Natawa siyang muli at inikot-ikot ang buhok ko sa hintuturo niya at parang sirang hinalikan 'yon. Namula ang pisngi ko sa ginawa niya ngunit natawa rin dahil sa mas mapula pa pala ang kanyang tenga kaysa sa akin.

"Are you blushing?" nanunudyong aniya ko.

Nag-iwas siya ng tingin. "You're blushing too, were even." natawa ako roon at nilapat ang palad sa dibdib niya. Ang tangkad niya talaga shit! Sana all.

"So... where do you get my number, hmm?" napabuntong-hininga siya. Kala mo palalagpasin ko iyon? It's a no no, oppa!

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at muling sinalubong ang tingin ko. "Hmm... I stole it from your brother's phone." napabuhaglit ako ng at napatitig na naman siya dahil do'n.

Is there a problem with my laughter? Why are they parang tanga sa t'wing tumatawa ako ng malakas? Geez!

Maya maya ay natawa na rin siya at bigla nalang akong niyakap. "God... your laughter makes me forget my whole damn self!" muli akong natawa ng malakas.

"Ang oa mo po."

"Ang ganda mo po." nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Really po?"

Tumango-tango siya at itinabing ang buhok ko sa likod ng aking tenga. "Sobra po... Sobrang ganda po... at napakaswerte ko po."

Lumali ang ngiti ko at agad kong kinagat ang pangibabang labi ko upang maitago 'yon.

Mamaya baka isipin niyang marupok at baliw na baliw ako sa kanya, no! Dapat nga hindi kami ganito kalapit kung hindi niya lang ako dinaan sa matatamis na salita kanina, eh!

Sasagot na sana ako ng may mga kalalakihang sumigaw ng, "Sana all may kalandian sa graduation!" na sabay naming nilingon. Ginawaran iyon ni JD ng isang middle finger at sinapo niya mukha para maharap sa kanya.

Kakilala niya ba ang mga iyon? Siguro, basta niya nalang binad finger, eh hindi naman mukhang feeling close 'tong si JD.

"Don't mind them mga wala lang silang jowa." natawa ako sa bulong niya at tumango-tango.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon