CHAPTER 32

25 3 0
                                    

CHAPTER 32

Zk Ramos


"Omg! The baby bump!" hinimas ko ng marahan ang may umbok na t'yan ni Keila. Napangiti ako ng maramdaman iyon. Feeling ko ako ang Mommy ni Keila sa lawak ng ngiti ko.

And I am proud to be a ninang slash tita! Goodness! I am so fond with kids that I am this excited to see the little baby on her tummy in person! As in!

Kaso matagal pa lalabas ang bata. Maybe I should start thinking the best gift for her or him. Para kapag paglabas na paglabas niya palang, ako ang unang ninang niya na may regalo sa kanya! Kinikilig ako!

Wala sa sariling napahawak ako sa kwintas na bigay ni JD habang nakangiti. Umayos ako ng tayo at pinalibot ang tingin sa kabuoan ng lobby.

Since sila kuya ang nagdala sa amin dito sila ang incharge sa reservation naming lahat.

Hah! Serve him right! Pakialamero!

"Ilang taon ka na gusto mong magkaanak?" napaigtad ako sa gulat dahil sa baritong boses na iyon.

"Goodness!" pinalo ko sa braso si JD at sinamaan siya ng tingin. Tumawa lang siya't kumindat at pagkatapos no'n ay pasimple ng naglakad palayo sa akin.

Bigla bigla nalang nasulpot! At teka nga, anong tanong ba 'yon? Shit! Kung ilang taon ako gusto kong mag anak!? Syempre kung kailan niya gusto! Or after ng graduation ko! Tsaka na ako magt-trabaho, anak muna kami!

Harot mo po!

"Sana all naka heli! Pucha kami by land lang tas nilubak lubak pa!" sabi ni Tj at pabirong sinapak si Jeric.

"Ay ang arte! Kala mo yummy." ismid na parinig ni Jade.

Natawa ako at nagtama ang tingin namin ni Leo.

He mouthed, 'LQ' kaya mas lalo akong natawa.
I don't know what really happened to this two but I really think that they're cute.

"Hey! Hey! Hey, listen up! All girls are in one room except to uh, couple there, congrats man! Nice shoot!" nagtawanan sila sa sinabi ni kuya pero ako agarang umirap.

Sira ulo.

"Ako lang 'to, kuya!" mayabang na sagot ni Jeric at umiiling iling pa.

Wait, what? Kuya?!

Napahalakhak ako kasabay nila JD at ng mga kaibigan nila habang si kuya ay unti unting nawawala ang ngiti.

Nice, kuya huh! Minsan talaga nakakatuwa rin 'tong si Jeric, eh.

"Dude, what the fvck? I'm not your brother, psh!" mas lalo akong natawa.

"Huh?" takang sabi ni Jeric.

"Hotdog." Sabat ko.

"Weh, wala na. Uwian na. Tara na babe nandiyan na si Ziel. Nakakatakot pa naman 'yan." sinamaan ko ng tingin si Jeric na inaakay na si Keila papunta sa elevator. Mas lalo pa akong naasar ng belatan niya ako't irapan!

Napaka-epal talaga!

"Aba!" sarap bigwasan nito. Binabawi ko na! Hindi talaga siya nakakatuwa!

"Oy saan kayo? Hahabol kapa ng isa, ah!" biro ni Jaser kay Jeric.

Agad akong napalingon sa gawi ni JD at nang magtama ang mata namin, pinaningkitan niya agad ako ng mata kaya natawa ako. Seloso! May mga jowa na nga!

"Damn, dude, dumi ng utak mo! Syempre kailangan magpahinga ng bebe ko! Duh!" sabay sabay kaming natawa.

Gago talaga.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon