CHAPTER 8

42 14 0
                                    

CHAPTER 8

ZK Ramos

Sa nagdaang araw ramdam ko agad na parang may nagbago sa samahan naming magkakaibigan. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa issue namin ni Jaser o dahil sa may kanya kanya na kaming pinagkakaabalahan. I mean, we're all busy these past few days kasi.

Okay naman na kami ni Jade ngunit naging busy ito dahil sa kursong kinuha na Engineering at gano'n din si Leo na kapareho niya ng course while Timothy and Jaser is busy with their lovelife and studies. Pareho rin silang Business ad.

While me? Studies. period.

Ako lang ang naiiba ng kurso sa aming lima and that's sana all. I am taking BS midwifery and it's really different to their course but I know may kanya-kanya kaming hirap na pinagdadaanan sa course namin.

Pagod man araw araw alam kong masusuklian din lahat ng 'yon sa oras na makapagtapos at magkalisensya na 'ko. Masusuklian din ang lahat sa oras na makatulong na 'ko sa mga tao.

"Goodness! Sakit ng likod ko! Ilang oras na seminar din 'yon, ah! Gutom na gutom na mga alaga ko, damn!" Reklamo ni Aira. Siya 'yung kaibigan slash classmate ko.

"Grabe! Ang boring ng nagtuturo tas 'di man lang tayo hinayaang mag break!" sabi ko at inunat unat ang mga braso.

"Hindi tayo kamo pinakain man lang! Grabe ang kuripot ng medical team na 'yon, ah! Anyway, saan tayo kakain? Samgyup tayo, G?" Aya niya.

"Hindi ko sure. Anong oras na rin kasi, eh." sagot ko at sinulyapan ang relo ko.

Hmm...may oras pa naman.

"Asus! Feeling may magagalit, may jowa ka!? may jowa ka!? Si Gail lang may jowa sa 'tin, for sure kasama na naman no'n jowa no'n. " aniya at sinundot ako sa tagiliran.

Tinignan ko siya ng masama. Pucha, namemersonal ka ghorl?

"Ang pasmado mo wala ka rin namang jowa! Tsaka hayaan mo na iyon inggit ka, ghorl?" Ganti ko at natawa dahil sa paghawak niya sa dibdib na tila ba'y hurt na hurt siya.

"Aw, be. Mas pasmado ka! Ihian mo nga!" asar na sabi niya. Bumuhaglit ako ng tawa kaya natawa na rin siya.

"Kaasar ka, cute ng tawa mo!"

"Cute rin naman tawa mo, ah. Pang kambing!" asar ko at tumawa na naman.

"Ulol!" asar na sagot niya kaya mas nilakasan ko pa ang tawa ko na nakapagpatawa na naman sa kanya.

Ewan ko ba pero tuwang tuwa sila sa tawa ko. Pati parents ko rin sinasabi ang bagay na 'yon, nakakahawa raw kasi at ang cute. Napailang nalang ako habang natatawan.

Dumeretso kami sa kanya-kanyang sasakyan.

"Sa samgyup, ah! Pektus ka sa 'kin pag 'di ka sumunod!" Aniya bago sumakay sa sasakyan at pinaandar ito. Natawa ako at sumunod na rin.

Hindi naman mahirap pakisamahan si Aira dahil unang araw palang ng klase namin ay naging kaclose ko na agad ito. Kasing ugali siya ni Jade kaya naman agad kaming nag click. Pero mas loka loka naman ng 'tong si Aira at magtatatlong taon ko ng pinagtyatyagaan ang loka loka na 'to. Buti nga medyo bumuti-buti na ang pagiging loka-loka niya ngayon. Natawa ako habang nagmamaneho dahil do'n.

Maya maya ay napanguso ako, pucha bigla kong namiss mga kababata ko. Goodness!

Maayos na naman na 'ko sa issue namin ni Jaser at wala nang problema. Actually, kahapon lang ay nagkausap kami ni Gail at nagkaliwanagan na tungkol sa nangyari nung gabing umamin ako kay Jaser. Nagsorry siya dahil sa naghinala siya at sabi niya pa na minsan ay nawawalan siya ng tiwala kay Jaser dahil sa nangyari sa kanila nung mga high school pa kami, dahilan kung bakit sila naghiwalay. Hindi na 'ko nangusisa pa at nagtanong dahil hindi naman ako chismosa. Basta masaya ako para sa kanilang dalawa. Tapos.

Having You Near Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon