Chapter 4: 𝑪𝒖𝒓𝒔𝒆𝒅

108 20 13
                                    

Nathan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nathan.

TWO DAYS HAD passed, but I still couldn't erase the memory that keeps repeating inside my head when the siren kissed me. I'd always remember how our lips meet each other and shared the same hunger with a violent beating of my heart. Yet I felt guilty after that--like seriously guilty.

Pero nakaramdam ako ng mali--na sana pala ay hindi ko na lang ginawa 'yon o ano. Pakiramdam ko nagkasala ako.

Doon ko na napansin na may kakaiba sa akin, pero hindi ko matukoy kung ano talaga iyon.
Nagsimula lang ito nang hinipnotismo ako ng sirena.

At the dock with Joaquin sitting on his jet ski, he heaved a sigh, heavier than the cargo ships, and massaged his temple as I walked to and fro.

"Dude, can you calm down? Ako ang nahihilo sa ginagawa mo, eh. Kanina ka pa tulala lang habang pabalik-balik ng paglakad. Bangag ka ngayon, pre. Ano'ng tinira mo—fish powder? o dinikdik na buto ng mga isda?"

Ni hindi ko man lang alam kung ano ang iniisip ko o ano ang iisipin ko. Masyadong magulo ang isipan ko, pero ang totoo niyan ay wala naman akong dapat na iniisip pang iba.

"Si Phil nasaan?" I asked out of the blue without even thinking about it.

"Sabog ka nga, pre." Muling nagbuntong hininga nang malalim si Joaquin na para bang wala na akong pag-asa pang mabuhay sa mundo.

"Ano ba ang sinabi ko? At 'yong ano... ano 'yong sinabi mo kani-kanina lang?" Napakamot ako ng ulo.

"Bahala ka sa buhay mo. Para kang ulol ngayon." Umiling si Joaquin at pinaandar ang jet ski na sakay niya.

Iniwan niya ako dala ang listahan ng mga dumadating at umaalis na mga private vessels na nakadaung sa harbor na binigay ko sa kan'ya. Iyon 'yong listahan na tsinek ko noong nakaraang araw.

"Kulang yata ang pagsuntok ko sa kaniya," narinig ko pang bulong niya bago sumakay sa jet ski para tignan naman ang kalapit na dalampasigan dito sa Martines Harbor.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Nawawala ang isipan ko, nawawala ako sa sarili ko.

Kahit ano na lang ang iniisip, eh, wala namang patutunguhan. Teka, may iniisip nga ba ako? O sadyang...

Marahas akong umiling-iling nang nagsisimula na namang bumalik sa utak ko kung ano ang nangyari noong mga nakaraang araw, lalo na ang araw na hinalikan ako ng sirena—o ako ang humalik sa sirena?

Labag sa kalooban kong inalala kung ano nga ba ang totoong nangyari noong araw na 'yon.

I got my shirt from the closet, the siren was awake and stood up, she sang, and we shared a kiss--

"AAAAAHH!" I tweaked my own hair because of frustration as I shout.

Hindi p'wedeng ganito na lang ako palagi. Hindi p'wedeng nalulutang ako, nawawala sa sarili at parang sabog na akala mo nakahithit ng ilegal na droga. May buhay pa ako. Gusto at gagawin ko pa ang lahat, ipagmalaki lang ako ng papa ko.

DIVE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon