Chapter 15: 𝑻𝒉𝒆 𝑺𝒕𝒐𝒓𝒎

63 10 1
                                    

Nathan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nathan.

I TRIED TO calm myself down but knowing Czerina's been hurt, I couldn't stop myself from worrying hard. I looked at the black waters of the oceans while standing at the center of my yacht's deck.

Dahil sa malakas na pagsabog ng yate kanina, ilang bubog ang tumama sa braso niya at medyo marami ang dugong nawala sa kan'ya kaya siya nawalan ng malay.

"She'll be fine, don't worry. Nichole can handle her," Ezra said with confidence and tapped my shoulder.

Nagbuntong hininga naman ako saka tipid na ngumiti.

Mula sa Celebes old pier, ay umuwi na kami ng mga kaibigan ko pabalik sa Martines Habor kasama ang sirenang sugatan.

Then I remembered our little plan.

I didn't come alone at Celebes Old Pier earlier. I was with Ezra and Phil as a guardian and my back up.

Ang sabi pa nilang dalawa, ay hindi p'wedeng ako lang mag-isa ang pupunta roon dahil hindi nila nasisiguro ang kaligtasan ko. Gusto talaga nilang sumama kahit manunuod na lang sila mula sa malayo. Bago ko pa man iparada ang dalang sasakyan sa daungan, ay pinababa ko na ang mga kasama ko sa 'di kalayuan.

We contacted someone who's guarding the restricted area. But as it turns out, Phil and Ezra found him tied on a tall tree ten meters away from the broken gate.

It was a gamble, a quick and unsure plan. We've got no choice but use me as a bait. In case Czerina will sing, ako lang ang maapektuhan, because first of all, she hypnotized me to call me anytime. For Edison and his friends, they're the one's who hurt her.

And the two billion--the one million fake money, rather--was burned.

Hindi ko naman hahayaang masayang lang ang ganoong kalaking pera. At kung kay Edison lang 'yon mapupunta, 'wag na lang.

And the money I wired to them was just a spam.

They're just bunch of money whores. They didn't even plan the abduction well. Edison was blinded by vengeance when I punched him back then and because I shot him instead of a fish.

"Maraming salamat po, kayo na po ang bahala sa Pier," pasasalamat ko sa caretaker ng Celebes old Pier saka binaba ang cellphone matapos ko siyang tawagan. Siya 'yong nakita nina Phil kanina na nakatali sa puno mga sampung metro ang layo sa tarangkahan.

As much as possible, gusto kong walang ibang makaalam sa nangyari sa Pier. Kahit pa ang mismong caretaker ng Pier. Kinailangan ko pa siyang bayaran para pagtakpan ang pagdukot sa kan'ya nina Edison at ang pagsira sa tarangkahan. Mabuti at wala namang mga sugat na natamo ang caretaker. Ang tanging alam lang nito ay ang pagdukot sa kan'ya nina Edison para makapasok sila sa Pier.

Alam kong maling pagtakpan ang kasalanan ni Edison, pero kung may awtoridad na makaalam nito, tiyak na malalaman ng mamamayan ang tungkol kay Czerina--na isa siyang sirena.

DIVE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon