Nathan.
KUNG HINDI lang dahil sa surpresa ng mga kaibigan ko, hindi ko malalamang malapit nang mawala sa kasaysayan ng kalendaryo ang edad ko.
Three more years to go, and I'm out on the calendar. Just great. So unsatisfying.
Wish I could stay just 28 forever.
"Mag-wish ka na para masayang natin ang cake!" tumatawang saad ni Phil habang nakatayo sa likod ni Czerina. Hindi nga halatang excited siyang unahan akong pahiran ng icing sa mukha.
Sinapok ko si Phil. "Kasing kapal talaga ng kalyo sa paa ang pagmumukha mo, ano? Maawa ka naman sa magandang cake! Kulay asul pa naman."
"Just say you're thankful for the surprise, Chong. Then we'll be fine," sabi naman ni Ezra, handa nang buksan ang champagne na hawak niya ngayon. Tumango-tango si Joaquin.
"So, are you saying that if I won't say 'thank you', you'll still going to piss me off?" Tumaas naman ang kilay ko dahil sa inis.
"We'll see." He looked at me with a smirk on his face.
"Gago. Nagbabait-baitan lang ba kayo dahil kaarawan ko? Ha? Pasensya na, pero hindi umubra ang pagbabait-baitan niyo dahil hindi naman talaga kayo naging mabait sa akin!" Saka naman ako napasimangot.
Mukhang wala namang nagbago sa kanila, eh. Sila? Mabait sa akin? Tsk!
Hindi sila nagtagumpay. Inaaway nila ako. Kinakalaban nila ako, sinasalungat at tinuturing na akala mo isa akong katulong.
Ever since I've met them, they're still the same.
"Bilisan mo na lang mag-wish! Ang dami mo pang arte, nangangalay na ang mga kamay ni Czerina, oh!" reklamo ni Nichole na kunwari galit pa.
Nilingon siya ni Czerina. "I'm fine, actually."
"Sshh! 'Wag kang magpahalata kay Nathan," bulong naman ni Nichole sa sirena. Bahagyang natawa si Czerina.
Napansing ko nitong mga nakaraang araw, matapos ang pang-iignora ni Nichole sa akin ay naging malapit sila ni Czerina sa isa't isa. Makita ko lang ang ngiti ng sirena, nawawala ang kabigatan sa kalooban ko dahil sa pag-aalala sa kalagayan niya.
And I silently thank Nichole for being there for Czerina in times I'm not there to take care of her.
"Humiling ka na bago pa matunaw ang kandila," nakangiting wika ni Czerina nang nilingon niya ako.
Ilang sandali pa, tumahimik ang mga kaibigan ko. Kaya naman ay pumikit ako para humiling.
"Mahal ko ang mga kaibigan ko. Kaya hinihiling ko na sana ay walang mangyayaring masama sa kanila, na ligtas sila palagi. Okay lang na ako ang mapahamak, 'wag lang ang mga pinakamamahal kong mga kaibigan. Iyon lang muna sa kaarawan kong ito."
BINABASA MO ANG
DIVE | Completed
FantasyNathaniel never expected that he'd accidentally caught a creature he never thought would exist. Will it be Nathan's luck or his misfortune? *** Nathaniel Claro loves to dive to catch big fishes as his hobby and sideline. As a fisheries development o...