Nathan.
My mother used to tell me stories when I was a kid. It made me sad. But I enjoy listening to her story before I fall asleep.
"It was six years ago when two broken souls collided," my mommy started.
"Ma, ayaw ko ng englesh, nanu-nusblid po ako. At bakit ka naman mag-e-englesh, eh, nasa squatters area po tayo?" sabat ko kay mama.
Ako at ang mama ko ay nakatira sa isang maliit na kubo. Kahit na ganoon, masaya naman ako dahil kasama ko ang mama ko. Pero napapaisip ako minsan, nasaan na ang papa ko? May papa ba ako?
"Ikaw talagang bata ka! Napakasuplado mo," nakasimangot na asik ni mama at pinanggigilan ang ilong ko. Natawa lang naman akong yumakap sa kan'ya.
"Mahal na mahal kita, mama! Kiss mo po ako," tugon ko naman na abot tenga pa ang ngiti habang nakayakap ako sa kan'ya. Sinundot ni mama nang konti ang tungki ng ilong ko saka pinupog ng halik ang buong mukha ko.
I just love my mommy Natalia.
"Juskong bata ka! O, sige na nga. Tagalog na lang," natatawang sabi ni mama matapos akong halikan.
Then she gathered me into her arm and started to brush my hair using her hand while telling my favorite tragic story.
May isang lalaking lasing dahil iniwan siya ng bride niya sa mismong kasal nila.
Sa kabilang dako naman, may isang babae na taga-laba na nga lang ay minamaltrato pa.
At sa hindi inaasahasang pagkakataon, nagkrus ang kanilang landas. Umuulan iyon noon sa isang bus stop, at doon nagkakilala ang dalawa matapos magkabanggan.
Nagpakilala sila sa isa't isa, at sa katagalan ng kanilang pag-uusap sa bus stop kung saan silang dalawa lang ang naroroon, ay naging malapit sila sa isa't isa.
Naikuwento pa nila sa isa't isa kung bakit humantong sila sa paglayas sa kani-kanilang mga tahanan.
Little by little, they started to like each other.
At doon nalaman ng babae na ang lalaki pala ay isang mangingisda. Isang mayamang mangingisda na nagmamay-ari ng isa sa mga sikat na Fisheries company.
Nang mahimasmasan, naisipan ng lalaki na umuwi at ipakilala sa mga magulang ang babaeng nakilala niya sa bus stop.
That time, they were already dating each other.
Pero mapaglaro ang tadhana.
His mother didn't like her and arguments started to arouse. So, before the problem gets hefty, they ran away together to a place where no one could find them.
They live on a place where no one could recognize them. Living their new life there for almost a month was just simple but great.
Masaya sila kahit na maliit lang ang bahay na tinutuluyan nila. Ang mga tao roon ay mababait.
BINABASA MO ANG
DIVE | Completed
FantasyNathaniel never expected that he'd accidentally caught a creature he never thought would exist. Will it be Nathan's luck or his misfortune? *** Nathaniel Claro loves to dive to catch big fishes as his hobby and sideline. As a fisheries development o...