Nathan.
One year later...
KATABI NG lapida kung saan naroroon ang pangalan ng mama Natalia ko, nilapag ko ang dala kong bulaklak at nagsindi na rin ng kandila.
Pero napasimangot na lang ako nang umihip ang malamig na hangin dito sa sementeryo at kinailangan ko pang sindihan ulit ang kandilang nasa loob ng baso. Kitang-kita ko rin kung paano hawiin ng hangin ang mga damong inuupuan ko.
"Setyembre na pala, magpapasko na naman," sabi ko sa sarili habang natatawa pa matapos sindihan ang kandila.
Nasanay ako sa magandang panahon tuwing tag-init kaya palagi kaming naliligo ng mga kaibigan ko sa dagat. Ngayon namang magpapasko na, lumalamig na ang panahon-pati na rin ang dagat.
"Maligayang kaarawan po, mama! At saka, advance Merry Christmas po," masaya kong bungad sa naka-engraved na pangalan sa lapida, Natalia E. Gallego.
Ngayon ko lang napagtanto, hindi pala Claro ang apelyido ng mama ko.
She had me before when Tito Renante was about to propose to her, but my strict Lola got them. They never got the chance to wed before I was born.
Kung tutuusin, anak pala ako sa labas. Kung hindi lang ako anak ni Tito Renante, malamang, Gallego pa rin ako na sunod sa apilyedo ng mama ko.
At naiinggit ako sa kalahati ko dahil kasal na ang Tito Renante ko at ang mama niya noon-tinakbuhan nga lang ni Tita Vicky ang seremonya. Pero kasal pa rin sila sa legal na mga papeles.
Ngayon, Tita Vicky was already Tito Edgar's wife. Single na lang ang papa ko.
"Alam n'yo po, Ma, isang taon pa lang ang lumilipas, pero marami na ang nangyari... Ma, may maliit pala akong balita. Na-promote na po ako bilang Acting Chief executive officer sa kompanya namin! Isa pong karangalan 'yon! Siyempre, hindi dahil papa ko ang may-ari ng kompanya ay ako dapat ang sunod na magiging CEO. Walang kinalaman dito si Tito Renante, Ma-I mean, siya naman ang dapat mag-apruba niyon dahil siya nga ang kasalukuyang Chief executive officer-binase nila ang pagpili sa akin dahil sa kakayahan ko at kagalingan ko sa trabaho. Nagulat nga po ako kasi ang alam ko lang ay hindi ako ganoon kagaling gaya ni Papa. Ni hindi ko nga maabot ang kaalaman ng sekretarya niyang si Rory, eh!" kuwento ko.
All my hard works before was paid off.
Ang mga nagliliparang mga papel ng proposal sa mukha ko noon; ang mga parusa ko sa pagiging tatanga-tanga ko noon; ang mga pinapagawa ni Tito Renante sa akin noon na dapat ay ginagawa ng sampung katao ay mag-isa kong ginagawa kahit pa puro ako reklamo. Lahat ng mga paghihirap at sakripisyo ko sa pag-unawa kung paano patakbuhin ang kompanya na may kasanayan at diskarte, ay nabayaran na lahat.
Maraming salamat kay Tito Renante na hindi tumigil sa pagtuturo at sa paghulma sa akin bilang isang magaling at pantas na negosyante.
Hindi ko ba alam kung bakit para akong timang noon at ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng mga kagaguhang nagawa ko.
BINABASA MO ANG
DIVE | Completed
FantasyNathaniel never expected that he'd accidentally caught a creature he never thought would exist. Will it be Nathan's luck or his misfortune? *** Nathaniel Claro loves to dive to catch big fishes as his hobby and sideline. As a fisheries development o...