Chapter 3: 𝑯𝒚𝒑𝒏𝒐𝒕𝒊𝒛𝒆𝒅

137 22 27
                                    

Nathan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nathan.

SUMUNOD NA ARAW, naisipan kong hindi muna ako pupunta sa Martines Harbor kung saan naroroon ang sirenang nagpapahinga sa loob ng kwarto ng yate ko.

Matapos niya akong hampasin ng paso sa ulo, nawalan ako ng malay kahit na maliit na flower vase lang iyon na nakalagay sa ibabaw ng kalapit na lamesa.

Nichole told me later in the evening after I woke up that the siren was already crouching at the corner of the yacht's room.

Parang nagsisi ito sa nagawa niya sa akin matapos siyang pagalitan ni Nichole. Naikwento pa sa akin ni Nichole na pinigilan lang siya ni Phil na sugurin ang sirenang umiiyak.

Nagtawanan kami kagabi sa loob ng kwarto ko habang ginagamot niya ang maliit kong sugat sa ulo.

"Here's your ticket, Sir. Enjoy the day of the concert!"

Ngumiti ako sa babaeng nag-abot sa akin ng dalawang concert tickets at nagpasalamat bago umalis sa ticket outlet ng isang Mall.

Today was their first release of tickets for the concert of the famous popstar idol, Clement Gabriel, and this was the last two tickets I bought for Aubrey. First day, ten in the morning, all concerts tickets was sold out.

Buti na lang at nakahabol pa ako. Sigurado akong matutuwa si Aubrey dito!

Tinago ko ang ticket na binili ko nang may ngiti sa labi at tinungo na ang sasakyan ko para sunduin naman si Aubrey sa hotel na tinutuluyan niya.

Pagkarating ko sa hotel, nakita ko na ang babae sa lobby, naghihintay habang nakatuon ang sarili sa cellphone niya. At katabi niya ang kan'yang maleta na naglalaman ng kan'yang mga damit.

"Aubrey!" I walked towards her and extended both of my arms. "I'm sorry for being a jerk. Hehe."

"Nathan!" Aubrey stood up joyfully, putting her phone down and greeted me with a tight hug.

Pero napa-aray na lang ako kalaunan nang suntukin niya ang dibdib ko matapos yumakap.

"Nagtatampo ako sa 'yo! Dapat kahapon mo pa ako hinatid. Inaasahan nina mama at papa ang pag-uwi ko."

"Sorry na nga, eh," nakasimangot kong sabi.

"Okay, fine. Pinapatawad na kita," Aubrey grimaced, but at least, she forgave me. That's fine.

Malapad akong ngumiti bilang tugon.

"By the way, how's your..." Aubrey trailed off purposely as she pointed her finger to the side of my lip.

Ah, ang bakas ng suntok ni Joaquin kahapon.

"It's fine. I'm fine. Nichole already treated me, but the chitchat is over and get your personal belongings. Rush hour is getting near. Ayaw mo bang umuwi nang maaga?"

Aubrey quickly got her purse when she heard rush hour and said, "Of course, I want to go home."

Nauna na siyang naglakad palabas ng hotel papunta sa nakaparada kong kotse sa labas. Dala ang kan'yang maleta, ay dumiretso ako sa likod ng sasakyan at nilagay ito sa back compartment bago pumunta sa driver's side.

DIVE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon