Chapter 19: 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏

51 8 6
                                    

Nathan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nathan.

I TURNED THE car to the right going back to Martines Harbor when I received a call-not from Nichole though, but from Ezra.

"Nasaan ka?"

'Yan ang unang bungad niya sa 'kin na sinagot ko naman nang maayos matapos bumalik sa diretsong daan ang dinaanan namin.

"I took Czerina somewhere for her to enjoy the fresh waters and air. Pauwi na rin kami," sagot ko, nilingon ang sirena sa passenger seat na siyang nakatulog.

"Victorio. Tuna. Pito."

Kumunot ang nuo ko sa tatlong salitang binitawan ni Ezra bago nito pinatay ang tawag. Natawa na lang ako. Halata namang um-order ang kliyente naming si Mr. Victorio ng pitong Tuna, kaya naging ganoon si Ezra.

Palaging nasisira ang araw niya kapag ang tandang kliyente ang tatawag para magpakuha ng mga isdang gusto nito.

I put my cellphone back to the dashboard of the car, and drove our way to Martines Harbor.

Iuuwi ko na lang si Czerina sa bahay at pagpahingahin.

She might be lively earlier, but I could see sadness hidden from her eyes.

Nakakalungkot ding isipin ang mga sinabi niya sa akin kanina.

The longer our shared embrace gets, the more I felt the lament arousing in me--like I was able to feel what Czerina could feel.

She was overjoyed yet she also felt the lamentation.

I never thought Czerina felt lonely despite the fun we had.

"... I'm selfish enough to let you go, Nathaniel..."

Let me go? What does she mean by that?

It was one and a half hour passed noon when I left the house and Czerina was still sleeping when I closed the door of my room.

Dumiretso na ako sa daungan kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko. Naabutan ko pang nakahanda na ang lahat ng gagamitin namin sa pangingisda. Makita ko lang ang mga 'yon, ang yate ko, ang mga kaibigan ko, at ang asul na dagat, ay nanunumbalik sa akin ng kasiyahan. Sandali kong nakalimutan kung anong mayroon sa sinabing iyon ng sirena kanina.

Iba talaga ang saya ko kapag nakikita ko ang asul na karagatan at ginagawa ang bagay na gusto ko-manganghuli ng mga malalaking isda.

Ngayong hapon, hindi kami sa pumunta sa remote island ng Sagum kung saan kami laging nangingisda dahil hindi pa gaanong nanunumbalik ang dami ng mga isdang naninirahan doon. Ipagpalagay nating may mga isda na nga roon, ngunit hindi marami gaya noong nakaraang linggo kung saan wala pang dumaang bagyo.

Sa dagdag na impormasyong narinig ko mula kay Ezra, kailangang bago sumapit ang gabi ay mai-deliver na ang order ng kliyente dahil daw ganito, gan'yan at kung anu-ano pang mga palusot. Si Victorio nga naman, kliyente naming palaging tumatawag para umo-order ngunit napaka-demanding naman. Isa si Victorio sa suliranin naming magkaibigan.

DIVE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon