Nathan.
LUMIPAS RIN ang buong dalawang araw matapos ang paghaharap namin ni Edison. Because of the confrontation that we had a few days back, I found out a stinging revelation that he was my brother.
Kinomperma pa ni Tito Renante ang ibinunyag ni Edison sa akin nang ikuwento ng papa ko kung ano ba talaga ang nangyari noon.
Si Edison Celebes na kaklase at kaibigan na kasama ko rin sa swimming team na naging karibal ko rin sa lahat ng bagay noon, ay ang kapatid ko sa ama.
Edison was my everything-note the sarcasm, please.
Hindi pa rin ako makapaniwalang hindi pala ako nag-iisa at may isang tao rin pa lang wala ring kamuwang-muwang na magka-ugnay kami sa isa't isa.
Napaisip ako bigla.
Kailanman ay hindi ko tinawag na "Kuya" si Edison dahil halos isang taon ang tanda niya sa akin. Tawagin ko kaya siyang ganoon, ano ang magiging reaksiyon niya?
Marahas akong umiling-iling sa naisip kong iyon at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
Hindi! Hinding-hindi ko tatawaging kuya ang bugok na 'yon! Manigas si Edison!
Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa pagmamaneho at pinihit ang manibela pa-kanan-baka bigla pa akong mabangga sa kung saan dahil kung anu-ano na lang ang mga iniisip ko.
Nang marating ko na ang destinaston ko, maingat kong ipinarada ang kotse ko sa isang bakanteng espasyo sa gilid ng daan. Mabuti na rin 'yon para hindi ako ma-ticket-an at posibleng ipa-tow ang kotse ko.
Matapos bumaba ng sasakyan, tinungo ko ang isang bahay na may kulay tsokolateng gate at nag-door bell.
Bumukas ang maliit na tarangkahan na parang pintuan kung saan iniluwa nito ang isang may katandaang katulong na ginang.
"Sino po sila?" tanong ng ginang sa akin.
Ngumiti ako. "Ako po si Nathaniel Claro. Nand'yan po ba si Victorina Celebes? Gusto ko sana siyang makausap."
Pagkatapos kong sabihin iyon, sandaling umalis ng katulong para tawagin ang taong gusto kong makausap. Ilang sandali pa, muling bumukas ang gate at nakita ko ang pigura ng isa pang ginang na kamukha ni Edison-si Tita Vicky, ang kaniyang ina.
Matapos ang nangyari dalawang araw ba ang nakalipas, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at nakuha ko pang pumunta sa bahay ni Edison kung saan maraming posibilidad ang mangyayari: maaaring magbasagan na naman kami ng mukha o magpatayan dahil sa alitan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
DIVE | Completed
FantasyNathaniel never expected that he'd accidentally caught a creature he never thought would exist. Will it be Nathan's luck or his misfortune? *** Nathaniel Claro loves to dive to catch big fishes as his hobby and sideline. As a fisheries development o...