Nathan.
"NICHOLE!"
Bigla akong napabalikwas mula sa pagkakahiga sa kama ko habang habol ko ang hininga, halos sumabog ang puso sa matinding kaba maisip ko lang na mawawala ang mangkukulam sa buhay ko.
My heart was pounding fast and violently, my breathing starts to get heavy as seconds pass by. I felt myself sweating hard even on this cold night.
Kahit na malakas ang ulan sa labas, dinig ko ang puso kong tinatambol nang paulit-ulit at halos basagin na ang natitira kong katapangan sa aking dibdib. Hindi ko naiwasan ang panginginig ng mga kamay at tuhod ko hindi dahil sa lamig ng gabi, kundi sa takot mula sa panaginip kong iyon.
Umalingawngaw sa buo kong kwarto ang madagundong na pagkulog at pagkidlat na nagmumula sa labas ng terasa.
The door from my terrace was closed but the curtain was open, leaving a small opening where I could only see black skies.
Malakas ang bugso ng hangin na kaya nang tumbahin at buwalin mula sa lupa ang mga malalaking puno sa tabi ng daan, samantalang walang humpay ang buhos ng malakas na ulan.
My room was dark and empty, the feeling of coldness creeped on my skin like a lonely sailing adventure of a man in the middle of the ocean of emptiness.
A nightmare. Worst nightmare ever.
Napahilamos na lang ako gamit ang kamay dahil sa kabiglaan at hindi ko maintindihang panaginip.
Nichole can't be gone forever. I can't take it.
Humugot ako ng malalim na hininga, sinisikap na pakalmahin ang kalooban kong nagsisimula nang mataranta. Pinaandar ko ang katabing lampshade sa bedside table.
Napakislot pa ako nang may narinig akong cellphone na tumutunog mula sa dulo ng higaan ko.
Hindi ako nagdalawang isip na pinulot iyon saka sinagot ang tawag. Humikab ako habang kinukusot ang mga mata nang itapat ko ang cellphone sa tenga.
Masamang panaginip lang 'yon.
"My dearest cousin! How's your 'forced' day off? Pasalamat ka lang talaga at malakas ka sa akin. And I'm sorry to call you this late."
Nangunot ang nuo ko dahil lalaki ang nagsalita mula sa kabilang linya. Hindi ko gaanong nakilala ang boses niya.
Cousin? Teka, hindi ko kilala ang lalaking 'to.
"Eleazar?" paniniguro ko naman dahil isang tao lang ang naalala ko sa salitang, "cousin".
Naguguluhan kong binasa ang pangalan ng tumawag na nakasulat sa screen ng cellphone.
I was right! 'Eleazar' nga ang pangalang nakikita ko sa screen ng cellphone. But I don't have a contact named 'Eleazar' on my phone book.
Doon ko napagtanto na hindi ko pagmamay-ari ang cellphone na hawak ko ngayon kundi kay Nichole.
BINABASA MO ANG
DIVE | Completed
FantasyNathaniel never expected that he'd accidentally caught a creature he never thought would exist. Will it be Nathan's luck or his misfortune? *** Nathaniel Claro loves to dive to catch big fishes as his hobby and sideline. As a fisheries development o...