Nathan.
I AIN'T A nurse or a doctor to treat the siren's wound, but I have learned small things from Nichole on how to clean a wound.
At ang natutunan ko sa kan'ya ay nagamit ko ngayon sa paglinis at paggamot sa sugat ng sirena.
Matapos naming makita ni Phil sa loob ng kwarto ang sirenang umiiyak habang hawak ang nagdurugo niyang balikat, hindi na kami nag-atubili pang gamutin ang sirena.
Phil immediately got the first aid kit while I've set up a table and two stools where I could treat the siren's wound. Phil then was collecting the pearls on the bed—which was her tears.
"Ikaw ba ang tatawag kay Ezra para kunin ang mga isdang nahuli natin o ako na lang?" Phil asked me as he stood by the door.
"Yes, please," sabi ko na nakatuon lang ang mga mata sa balikat ng sirena.
"Tsk! Which was it?! Ikaw ba ang tatawag sa gagong 'yon o ako?"
Nagbuntong hininga ako at sandaling tinigil ang paglalagay ng betadine sa bulak na hawak ko.
Nilingon ko si Phil at sinagot siya nang maayos, "Ikaw na lang ang tumawag kay Ezra. Thank you in advance. At kung wala ka nang iba pang gagawin, p'wede mo bang ihanda sa deck ang mga coolers? Pasensya na, hindi ako matatapos dito agad-agad. Maliwanag ba, aking kaibigang Felipe?"
Phillip snapped his finger as he beamed. "That does it! Your instructions were more accurate and appropriate than the last one."
Kasunod niyon ay pag-alis ng kaibigan ko.
Minsan parang komplikado mag-isip si Phil, pero minsan simple lang. Natatawa na lang akong umirap at nagpatuloy na lang sa paggamot sa balikat ng sirena.
But as I looked at her who were looking straight outside the window, I felt guilty.
Nakatulala lang ang sirena at nakatingin sa kawalan. Parang nawawala siya sa sarili niya. At hindi ito mangyayari kung hindi ko nabaril sa balikat ang babae.
Aaminin ko, napakaganda ng babaeng sirena lalo na ang mga mata niya, ngunit sinisigaw nito ang sari-saring kalungkutan. Isa doon ang kalungkutang mawalay siya sa dagat at ang pagkakaroon ng sugat sa balikat na ako ang may gawa.
Suddenly, the siren looked at me and had caught me staring at her.
Agad akong kumurap-kurap at iniwas ang tingin sa kan'ya saka tinapos na lang ang ginagawa ko.
Matapos kong gamutin ang sirena, tinulungan ko siyang tumayo nang maayos at iginaya palabas nang sa ganoon ay makalanghap siya ng sariwang hangin.
BINABASA MO ANG
DIVE | Completed
FantasíaNathaniel never expected that he'd accidentally caught a creature he never thought would exist. Will it be Nathan's luck or his misfortune? *** Nathaniel Claro loves to dive to catch big fishes as his hobby and sideline. As a fisheries development o...