Chapter 18: 𝑺𝒆𝒍𝒇𝒊𝒔𝒉

45 9 2
                                    

Nathan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nathan.

I BLINKED my eyes when I felt someone's hand brushing my hair, and that warm yet comfortable embrace.

Nakarinig din ako ng mahinang ugong ng kanta dahilan para mawala ang pagkaantok ko.

Kumurap-kurap ako saka napasinghot nang maamoy ko ang pamilyar na pabango. Galing iyon sa fabric conditioner ng mga damit ko, pero may halo iyong natural na amoy ng isang... babae?

Nang tuluyan kong naimulat ang mga mata, bumungad sa mukha ko ang isang pigura babaeng nakayakap sa 'kin sa iisang higaan. Nakasuot ito ng puting polo na pagmamay-ari ko, at nakaharap mismo sa pagmumukha ko ang malaki at maumbok niyang dibdib.

Mabilis kong inangat at paningin para tignan kung sino iyon. Doon ngumiti ang sirena sa akin na siyang mahinang kumakanta at ang nagsusuklay sa buhok ko habang natutulog.

"Good morni—" said Czerina with her sweet smile, as bright as the day today.

But because of shock, I immediately moved away from her and the carpeted floor got me completely dumbfounded.

Dumaing ako dahil sa sakit ng pagkabagsak ko sa sahig mula sa higaan. Kapag minamalas ka nga naman, oh!

"Uhm, Nathaniel, are you... okay?"

Habang nakatihaya na ako sa sahig habang hawak ang tagiliran kong napuruhan sa pagbagsak ko, bumungad sa akin ang nahihiya pero nag-aalalang mukha ng sirena na siyang tinignan ako sa ibaba ng kama.

She then put some locks of her hair behind her ears as she looked at me with worried face.

"I'm sorry. Nagulat yata kita," dagdag pa nito, may bahid pa rin ng pagkahiya at pag-aalala sa boses.

Mabilis naman akong tumayo na para bang walang nangyari kani-kanina lang. Umaaktong hindi ako nahulog mula sa kama.

"I-I'm fine, it's okay. G-good morning din, Czerina," wika ko naman saka bahagya pang tumawa. "Uh... M-may ginawa ba ako? B-bakit ako n-nakayakap sa 'yo? Nadistorbo ba kita? I'm sorry," natataranta ko naman sabi, halata pa ang panginginig ng boses dahil sa hiya at kaba.

Inosenteng nagkibit ng bilikat ang sirena. At hindi ko maintindihan kung alin sa mga tanong ko ang sinagot niya!

At sabihin n'yo nga sa akin kung bakit nagmumukhang anghel ang sirena habang nasisikatan siya ng araw na nagmumula sa bintana ko?

"Lasing ba ako?" I asked her out of the blue, a question that's out of the box. I even pointed myself. God, what's happening to me? Tuluyan na ba akong nabaliw?

"Lasing?" Czerina repeated with knitted forehead.

Inilibot ko naman ang paningin sa buong kwarto ko. At ngayon ko lang napansin na kahapon ko pa suot itong damit ko. Pati ang suot kong sapatos ay hindi ko pa nahuhubad!

DIVE | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon