"Vega and Altair"

106 2 0
                                    

"PROLOGUE"

***

"Baliw ka talagang babae ka! Bakit hindi mo ako ginising?! Ang dilim na sa labas paano na 'yan?" Natatarantang reklamo ko sa kaniya.

"Hala pasensya na nawala sa isip namin kasi naman ang ganda sa labas kaya ngayon ka lang namin naalalang gisingin. Sorry, Ian!" Paliwanag niya habang tawa naman ng tawa sa 'min si Esteban dahil malapit na kaming magsabunutan ni Liezl. "Kaya pa naman 'yan kasi nakita namin sila na kadarating lang!"

"Paano 'yong mga pa-petals sa hallway?!" Naiiyak na sabi ko at natahimik naman si Liezl. Dapat kasi may surprise talaga.

"Edi ikaw nalang ang mismong surprise." Sabat ni Esteban. Natulala naman ako.

Sa huli ay wala na rin akong nagawa kundi gawin ang sinabi ni Esteban. Wala na rin naman akong choice. Ang problema ko nalang ay ni wala akong ligo! Jusko!

Hinatid ako ng dalawa kung nasaan sila Jin. Natulala ako noong makita ko siyang kumakain at nakikipag tawanan kila Nanay. Ang gwapo talaga niya.

"Mamaya mo na pagnasahan, Ian." Bulong sa 'kin ni Liezl. Inirapan ko naman siya.

Hinatid ako ni Liezl kung saan ang kwarto ni Jin habang si Esteban nasa baba para matawagan kami kung pabalik na sila.

"Ito susi, Ian." Inabot niya sa 'kin ang isang susi noong marating namin ang kwarto.

"Saan mo nakuha?!" Gulat na tanong ko.

"Duhh! Ako pa ba?" Itinulak niya ako. "Sige na aalis na ako baka mahuli pa at sabihin kasabwat kita magnakaw." Paalam niya bago umalis.

Tumitig ako saglit sa pinto bago ito buksan. Natulala ako noong makita ang kwarto. Ang laki grabe. White, black at gray ang kulay at may mga halaman sa gilid. Pang mayaman talaga sa laki. May sarili pang sala at kitchen.

Pagkatapos kong tingnan ang suite niya ay napatingin ako sa sarili ko. Kahihiyan talaga. Mukha akong maasim na tao.

Kinapalan ko na talaga ang mukha ko at tiningnan ang mga damit na meron si Jin. Sweatpants nalang at malaking white T-shirt ang kinuha ko para naman hindi magamit ang magaganda niyang damit.

Pumasok ako sa banyo at naligo para matanggal ang mga mikrobyo sa katawan ko. Nagbibihis na ako noong may marinig akong pumasok kaya nataranta ako. Mukhang nandito na siya. Ang balak ko ay hihintayin ko siya sa sala habang nanonood ng TV pero sa banyo niya ako naabutan. Nakakahiya. Pisti!

Pagkatapos kong mag-ipon ng lakas ng loob ay lumabas na ako at hindi ipinahalata ang kaba ko. Nakahiga na siya sa kama at nakapikit ang mga mata.

Tiningnan ko ang kabuoan niya at napangiti. Napaka gwapo pa rin niya tulad ng dati. Mas gwapo pa. Namalayan ko nalang na gulat na siyang nakatingin sa 'kin habang naka-upo.

"Ang tagal mong kumain sa baba pero hindi mo naman ako dinalhan dito." Nakangiting sabi ko sa kaniya habang nagpupunas ng buhok.

Titig na titig lang siya sa 'kin at hindi nagsasalita. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. Natawa nalang ako sa ginagawa niya.

"Surprised?" Tanong ko at ibinato ang twalya sa mukha niya.

Maya maya ay bigla siyang at lumapit sa 'kin. Namalayan ko nalang na hinahalikan na niya ako at sumasabay na ako sa ritmo ng kaniyang halik.

Naghabol kaming pareho ng hininga noong tumigil siya sa paghalik sa 'kin. "I missed you, Lucian." Nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi 'yon. Ngumiti lang din ako sa kaniya.

"I missed you too, Jin." I smiled.

Hinalikan niya muli ako ng marahan hanggang sa maging mapusok ito. Habang tumatagal napupunta na kung saan saan ang isang kamay niya habang ang isa naman ay nasa pisngi ko para mas mailapit ako sa kaniya. Nakahawak lang ako sa mga bisig niya dahil mas matangkad pa rin siya sa 'kin.

Maya maya ay naramdaman kong ipinasok niya ang isang kamay niya sa sweatpants na suot ko. Napasinghap nalang ako noong hawakan niya ang bagay doon. Tumigil siya sa paghalik sa 'kin at ngumisi.

"You didn't wear your underwear, huh?" Nakangisi niyang sabi.

"I-i didn't bring one..." Nasabi ko na lamang at tumingin naman siya sa suot ko.













_________________________


"Vega and Altair"

Written by: @slightlypink

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events and incidents are either product of the author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please don't forget to vote, comment and share. Thanks a lot!

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon