CHAPTER 3: The tutorial

58 2 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

Enjoy!

Lucian's POV

Nakarating kami sa bahay nila sa isang village. Maganda at malaki siya pero simple lang at the same time. Tingin ko ay hardwood narra ang front door, floor at ceiling ng bahay. Kulay brown kase. Samantalang 'yong haligi naman ng bahay kulay gray tsaka may black din sa ibang parte.

Hindi na ako hinintay ng Daddy ni Martin na makapag salita. Nauna na siyang pumasok sa bahay. Hinawakan agad ni Martin ang hintuturong daliri ko at saka ako hinila papasok ng bahay nila.

Pagpasok namin living area ang bumungad sa 'akin. May malaking wooden staircase ilang hakbang mula rito.

"Magandang gabi po." Ngumiti ako sa babaeng maid yata. Tingin ko kasing edad niya si Nanay o mas matanda ng kaunti. "Kumusta ang school mo, Martin?" She asked to this little man beside me. Ngumiti naman ng napaka-lawak si Martin sabay thumbs-up. "Ako po pala si Nora. Pero Inang Nora ang tawag nila sa 'kin. Kasambahay po nila." I smiled awkwardly dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Wala na ba kayong balak pumunta dito?" Nagulat nalang ako nang marinig ko ang tawag ng Daddy ni Martin. Kanina pa pala kami nakatayo lang dito.

Sumenyas naman sa 'kin si Inang Nora na sumunod sa kaniya. Humawak sa kamay ko si Martin kaya ngumiti na ulit ako.

Napakagat ako sa labi nang marating namin ang dining area ng bahay nila. Sa tabi ng dining area ay may kitchen na gray, brown at black ang kulay. Modern design.

"Let's have a dinner first." He's almost emotionless when he said that. "Magpalit na muna tayo ng damit, Martin." Lumapit naman sa kaniya si Martin at saka humawak sa kamay ng Daddy niya.

Pag-alis ng mag-daddy ay iginiya ako ni Inang Nora sa may dining table na hindi naman sobrang laki o liit. Sakto lang. Umalis din siya agad at pumunta sa likod ng kitchen. Dirty kitchen nila I guess? Tingin ko kasi may dirty kitchen pa sila sa likod. Ganoon kasi ang bahay ng mga mayayaman kong co-teachers.

May iilang ilaw naman na naka-sindi rito sa bahay pero hindi pa rin ganoon kaliwanag. Napatingin ako sa labas ng dining dahil glass wall at sliding glass door iyon.

Kitang kita ko mula rito sa loob ang swimming pool na lumiliwanag dahil sa mga ilaw na naka-sindi doon. May waterfalls rin sa tabi noon at mga naka-pasong halaman naman sa kabilang side.

Maya maya ay lumabas si Inang Nora sa dirty kitchen yata at inihapag ang mga pagkain. Bumalik pa siya sa loob at nang bumalik siya ay may mga dala nanaman siya. Ginawa pa niya 'yon ng isang beses.

"Tulungan ko na po kayo, Inang Nora." Lumapit ako sa kaniya at nagprisinta na dahil mukhang hirap na hirap na siya kaiikot.

"Ayyy huwag na po! Baka mapagalitan ako ni Sir." Tanggi niya kaya kumunot naman ang noo ko. [Bakit naman siya magagalit?].

"Bakit naman po siya magagalit?" I asked out of curiosity. "Tsaka Mr. Lucian nalang po ang itawag niyo sa 'kin. Pwede rin pong Lucian nalang." Sabi ko sa kaniya at kinuha ang dalawang plato.

"Salamat, Jiho." Ngumiti siya at sumunod naman ako sa kaniya.

Maya maya ay patakbong bumaba si Martin sa hagdan. "Good Evening po, Mr. Lucian!" Ngumiti ng napaka-lawak si Martin at yumakap bigla sa 'kin. "Good Evening din po sainyo, Inang Nora!" Sumilip siya mula sa tagiliran ko kaya hindi ko maiwasang matawa sa kaniya.

Napaayos nalang ako nang makitang nakatingin na pala sa 'kin ang Daddy ni Martin na ngayon ay pababa sa staircase. He's wearing a gray t-shirt with white short and a typical pair of thongs.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon