CHAPTER 10: The demolition

53 2 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

–Enjoy!

Lucian's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari pero paggising ko ay nagkakagulo na sa labas ng bahay. Sa lugar namin. May mga tulakan, batuhan, murahan at kung ano ano pa.

Kasalukuyan akong gulat na nakatayo ngayon sa pintuan ng bahay namin. Maging si Nanay ay gulat sa kaganapan ngayon sa lugar namin.

Napakaraming pulis ngayon sa lugar namin at pinipilit paalisin ang mga taong nagkakagulo sa lugar namin.

Gulat akong napa-takip sa bibig ko nang bigla akong makarinig ng putok ng baril. Agad naman akong iginiya ni Nanay papunta sa maliit naming sala.

"A-ano pong nangyayari?" Nerbiyosong tanong ko kay Nanay na katabi ko rin ngayon.

"Wala rin akong a-alam, anak!" Tarantang sagot ni Nanay habang nakasilip sa bintana ng bahay namin. "Paggising ko ay nagkakagulo na sa labas!" Isinara ni Nanay ang mga bintana nang bumalik ito sa tabi ko. "Nasaan na ba 'yang mga kapatid mo---" Hindi na natapos ni Nanay ang sinasabi niya ng biglang pumasok si Miguel, Christian at Nigel sa bahay. Hinihingal pa ang mga ito nang isara nila ang pinto.

Agad akong napatayo at sumunod kay Nanay para lumapit sa tatlo. Pinaupo ni Nanay ang dalawa habang sumilip naman si Miguel sa bintana.

"Saan ba kayo nanggaling tatlo?! Aba'y halos atakihin na ako sa pag-aalala sainyo ah!" Asik ni Nanay sa tatlo habang inaabutan ko naman sila ng tubig.

"Pupuntahan po sana namin si Tita Sheryl para ihatid tayo sa karinderya pero ang dami nang pulis na naka-kalat sa labas!" Pagkuway ay bigla nanamang may putok ng baril na umalingawngaw. "Dine-demolish daw ang eskinita natin!" Hindi malamang sabi nanaman ni Miguel. Gulat naman akong napasilip sa bintana.

Nagkakagulo na talaga sa labas ng bahay. Pilit na hinaharang ng mga pulis ang mga kapit-bahay naming nagkakagulo habang ang iba sa kanila ay binabaklas ang mga bahay. Tuloy ay may mga naririnig akong mga umiiyak at nagmamakaawang h'wag sirain ang mga bahay nila.

Hindi naman magkamayaw ang mga kalalakihan sa lugar namin. Binabato nila ng kung ano ano ang mga pulis habang pilit pinapaalis ang mga ito.

"Anong demolish? Panong i-ddemolish!" Gulat na sabi ni Nanay saka binuksan ang pinto.

Akmang lalabas si Nanay nang pigilan ko siyang lumabas. "Nay, ano ba! Huwag na kayong lumabas baka mapano kayo." Agap ko kay Nanay. Gusto pa niyang magpilit pero hindi ko siya hinayaang makalabas.

Iniupo ko si Nanay sa sala at doon naman siya sinamahan ni Christian at Nigel. Lumapit sa 'kin si Miguel habang nasa pinto ako.

"Ano bang nangyari? Bakit bigla nalang may nag-ddemolish?!" Tarantang tanong ko kay Miguel.

"Ang dinig ko kanina kila Kuya Melvin gagawin daw resort ang eskinita natin! Utos din ni Mayor." Sagot niya saka kinapa ang cellphone sa bulsa niya.

"Anong resort? Nakatira tayo dito kaya panong gagawin nilang resort! Baliw ba sila!" Asik ko saka tumingin sa labas.

Laking gulat ko nalang nang makita ko ang bahay nila Tita Sheryl na sinisira ng mga pulis. Galit na galit si Tito Nano at ang mga Anak niya habang pilit pinipigilan ang mga ito.

"Kuya, may tumatawag sayo sa cellphone." Tawag sa 'kin ni Nigel. Agad naman akong pumunta sa kwarto namin para sagutin 'yon.

Nang tignan ko ang pangalan ng tumatawag ay napagtanto kong si Liezl pala. "Hello?" Sagot ko. Halata namang natataranta rin siya sa kabilang linya.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon