CHAPTER 18: Between life and death

59 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

-Enjoy!

Jin' POV

"Jin Andrix, Jiho! Nasaan ang anak ko? Nasaan?" Napatayo ako mula sa kinauupuan ko nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni Tita Annalyn.

Hindi pa man ako nakakalapit kay Tita Annalyn ay agad na akong humandusay sa sahig nang bigla akong pasadahan ng suntok ni Miguel.

"Anak ano ba!" Hiyaw ni Tita Annalyn.

"Hindi ba't ibinilin ko saiyo si kuya?!" Gigil na sambit nito habang pilit akong itinatayo sa sahig. "Bakit ganito ang nangyari? Anong nangyari?!" Isang suntok ulit ang tumama sa 'kin mula sa kaniya. Inawat naman ulit siya ni Tita Annalyn.

"H-hindi ko alam." Wala na akong maisagot dahil hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko.

"Anong hindi mo alam? Paanong hindi mo alam? Ikaw ang kasama niya!" Mahigpit ulit na hinila ni Miguel ang kwelyo ng suot ko.

Akmang tatama sa 'kin ang kamao ni Miguel pero hindi niya ito naituloy nang bumukas ang binto sa ICU.

"Family of the patient?" Tanong ng doctor.

"H-how is he? Maayos na ba siya?" Kabadong tanong ko sa doctor.

"Ako po ang Nanay. K-kumusta po ang anak ko?" Kahit hindi ko tingnan si Tita Annalyn ay alam ko ng umiiyak siya.

"Tatapatin ko na po kayo, Misis. The patient is in critical condition right now." Sagot ng doctor. Namutawi naman agad ang iyak ni Tita Annalyn. "May tumamang tatlong bala ng baril sa kaniya at ang isa ay tumama sa mismong puso. Sa ngayon ay natanggal na namin ang mga ito." Dagdag ng doctor. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa.

"Will he be fine?" I asked.

"Gaya ng sinabi ko, hindi maganda ang lagay ng pasiyente dahil sa tatlong tama ng bala sa kaniya. Lalo na tinamaan ang puso niya." Sagot ng doctor na halos hindi tanggapin ng isipan ko. "Sa ngayon stable naman ang lagay ng pasiyente. Pero hindi namin masabi kung hanggang kailan kaya tuloy tuloy pa rin namin siyang o-obserbahan." Mas lalo akong nakakaramdam ng galit sa sarili ko dahil sa mga sinasabi ng doctor. Kung binantayan ko lang sana siya ng mabuti edi sana hindi ito nangyari sa kaniya.

Gustohin man namin siyang malapitan ay hindi pa kami maaaring pumasok dahil sa maselang lagay ni Lucian. Pinayuhan kami ng mga nurse na nag-aasikaso sa kaniya na tingnan na muna namin ito mula sa glass wall ng silid.

"Kasalanan mo 'to." Huling sinabi ni Miguel bago umalis ng walang paalam kay Tita Annalyn kahit tinatawag siya nito.

[He's right, this is all my fault.]

Sa bawat araw na dumaraan palala ng palala ang kalagayan ni Lucian. Sa puntong halos hindi ko na kayanin. Pero wala akong ibang mapamilian kundi manood lang.

Ilang beses na kaming pinaalalahanan ng doctor na kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan ni Lucian ay wala na kaming ibang pamimilian kundi isailalim siya sa isang Heart Transplant Procedure.

Dahil din sa mga 'yon hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa tuwing makikita kong umiiyak ang pamilya ni Lucian. Minsan naiisip ko kung hindi ko ba minadali na pasagutin siya noong araw na 'yon hindi ba mangyayari ito.

Sa mga araw na dumaraan pinagsisisihan ko ang mga naging desisyon ko noong araw na 'yon. Sana mas naging matiyaga nalang ako, sana hindi ko nalang minadali, sana hindi ako naging kampante. Siguro hindi ito nangyari sa kaniya.

"Lucian..." Pagtawag ko sa kaniya habang maingat na hinahaplos ang kamay niya. Nanginginig ang mga labi ko dahil sa sobrang pagpipigil sa pag-iyak. "Kung naririnig mo ako ngayon... I'm so sorry..." Kasabay ng paghingi ko ng tawad ay ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon