CHAPTER 4: Hospital visit

53 2 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

–Enjoy!

Lucian's POV

Plano kong dumalaw mamaya sa hospital para sa Papa ni Liezl. Kaninang umaga ko lang din nalaman na hindi pala siya papasok ngayong araw kaya baka ako mag-isa ang pupunta sa hospital mamaya.

Katatapos ko lang mag-lunch kaya palabas na ako ngayon sa cafeteria. Gaya ng araw araw kong routine, pagkatapos kong mag-lunch or mag-break ay sa faculty ang diretso ko para kunin ang mga gamit na dadalhin ko sa klaseng papasukan ko.

Si Grace lang ang inabutan ko sa faculty pero tinarayan pa ako kaya hindi ko nalang pinansin. Nasanay nalang din naman ako sa pagiging-okray niya araw araw. Pinanganak na kasi yata itong may sama ng loob sa mundi.

Nakita ko si Martin na nandito sa pathway sa may playground papunta sa classroom nila kaya sumabay na ako sa kaniya. Sila rin naman ang first class ko ngayong afternoon class. Nagulat pa siya noong una pero ngumiti rin agad.

"Hello po, Mr. Lucian!" Yumakap siya sa waist ko kaya medyo hirap ako sa paglalakad.

"Hello!" Ang cute talaga ng batang 'to! Kamukha ang Daddy niya.

Gaya ng dati, tahimik lang sila noong dumating ako. May mga papasok palang dahil kagagaling lang din sa cafeteria. Inayos ko nalang muna ang mga gamit ko at nagsulat ng ilang topics habang wala pa 'yong iba.

Hindi naman ako nahihirapan sa kanila dahil first section at mabibilis silang matuto. Nakikita ko rin ang improvements ni Martin sa discussion. Mas madali na niyang naiintindihan ang mga itinuturo ko. Mukhang maganda naman ang result ng tutorial session namin. Isang beses palang pero may improvements na siya.

"Good Day, Class!" Paalam ko nang matapos ang halos isang oras kong klase sa kanila. Ilan lang ang sumagot kaya lumabas nalang ako para pumunta sa next class ko.

Ganoon din naman ang mga itinuro ko sa next class ko pati sa mga sumunod ko pang klase.

***

Nandito na ako ngayon sa waiting shed ng school para maghintay ng jeep. Plano ko nang dumiretso ngayon sa hospital para mamaya nasa bahay na ako.

Nakita ko sa Martin na kasama ang isang batang babae. Naglalaro sila kaya hindi ko napigilang ngumiti. At least ngayon may kaibigan na siya. Madalas kasi siyang mag-isa tuwing makikita ko.

Umupo sila sa tabi pero agad ding umalis 'yong batang babae dahil sinundo na siya ng Mommy niya. Naiwan naman si Martin sa bleacher. Nag-swing lang siya ng mga maliliit niyang paa habang naka-upo.

Hindi naman tumagal napansin na rin niya ako kaya lumapit siya. As usual, ngiting-ngiti ang bata nang makalapit na siya. Hayss! Ang cute talaga ng batang 'to.

"Tatabi po ako, Mr. Lucian ah!" Batang bata siya nang sinabi niya 'yon. Pinahaba niya kasi ang tunog ng pangalan ko.

"Sure! Come here." Umupo siya sa lap ko at sumandal sa 'kin. "Wala pa ba ang Daddy mo?" Tanong ko sa kaniya habang nakapatong ang chin ko sa balikat niya. Tinutulungan ko kasi siyang buksan ang candy niya.

"Nasa trabaho po kasi siya lagi kapag susunduin ako." Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya. [Trabaho?]

Isinabit ko muna ang bag ko sa balikat bago magsalita. "Trabaho? Ano bang trabaho ng Daddy mo?" Tanong ko sa kaniya saka inayos ang upo ko sa bleacher.

"Engineer po kasi ang Daddy ko, Mr. Lucian." Sagot naman niya at kumapit sa braso kong nakayakap sa kaniya.

[Engineer pala 'yon?! Mas naisip ko pang pulis siya kasi maganda naman ang katawan.]

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon