CHAPTER 13: His story

55 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

Enjoy!

Jin's POV

"Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Lucian, Jiho?" I took a deep breath as I heard Inang Nora asked.

Dalawang araw na rin mula nung huli akong dumalaw sa karinderya nila. Hanggang ngayon kasi ayaw pa rin akong kausapin ni Lucian. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Mukhang galit pa rin siya sa 'kin, Inang Nora." Hinilot-hilot ko ang sintido ko. "Wala na akong maisip na paraan para pansinin ako ni Lucian. Lahat ng alam ko ginawa ko na pero wala pa rin."

"Baka naman kasi may paraan pa pero hindi mo ginagawa, Jiho. Natatakot ka?" Tinitigan ko lang si Inang Nora dahil parang may pinapahiwatig siyang kung ano na hindi niya masabi ng diretso.

"Ano 'hong ibig niyong sabihin, Inang Nora?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Hindi ka pa rin ba sigurado sa nararamdaman mo para sa kaniya?" She asked instead of answering my question. "Hindi normal kung paano mo siya tingnan, Jiho. Nakikita ko 'yon." Nakangiting sambit ni Inang Nora. Napa-iling nalang ako saka natawa.

"Hindi po tulad ng iniisip niyo 'yon, Inang Nora. I was just guilty of what I did." Diretsong sagot ko dahil alam ko na kung saan papunta ang usapang ito.

"Pero hindi ganoon ang pahiwatig ng mga mata mo, Jin Andrix." Tudyo nanaman niya. "Ako na ang nag-alaga saiyo mula pagkabata kaya alam ko kung kailan ka sigurado at hindi."

"Pero kailan ko lang siya nakilala, Inang Nora." Ani ko saka isinara ang folder na hawak ko.

"Kailan pa naging batayan ang haba ng pinagsamahan bago mo masasabing gusto mo ang isang tao, aber? " Humarap siya sa 'kin at piningot ang tenga ko. Ngumiwi naman ako.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumahimik nalang ako. Ewan ko ba! Naguguluhan ako tuwing siya ang pinag-uusapan. At isa pa pareho kaming lalake.

"Malakas ang loob, matalino at responsable... Aba'y! Ano pang dahilan para hindi mo magustuhan ang tulad niya, Jin Andrix?!" Kunot noong ani nanaman ni Inang Nora. "At isa pa kahit gwapo o maganda ang gusto mo ay parehong nasa kaniya iyon."

Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Inang Nora. I can't help it but smile in the end. Inang Nora is indeed a very supportive guardian. "Hindi naman 'ho sa hindi ko siya gusto sa---" Kusa kong naitigil ang sinasabi ko nang romehistro ito mismo sa 'kin. Ngumiti naman si Inang Nora.

"Ang isda ay nahuhuli sa bibig, Jiho." Tatawa tawang ani niya. "Hindi kita maintindihan, Jin Andrix. Dati naman ay naliligawan mo ang mga magustuhan mo! Ano't hindi mo 'yon magawa kay Lucian?" Dagdag pa niya.

"Hindi ko rin 'ho maipaliwanag, Inang Nora." Napa-sabunot nalang ako sa sarili kong buhok. Siguro dahil iba siya? Lalake kaming pareho...

"Kakaibang bata siya, Jin. Hindi siya ang tipo ng tao na makikita mo kung saan saan lang." Nakangiting ani niya na parang may kung anong iniisip. "Nai-kwento sa 'kin ni Annalyn lahat ng hirap ni Lucian. Ilang araw rin kasi silang tumuloy dito." Patungkol ni Inang Nora kay Tita Annalyn.

Hindi ko alam na naging malapit pala sila sa isa't isa kahit ilang araw lang silang namalagi sa bahay.

"Alam mo bang mula noong iwan sila ng Tatay nila ay siya na ang breadwinner ng pamilya nila?" Tanong sa 'kin ni Inang Nora. Umiling lang ako at itinabi ang mga folder na nasa harapan ko. "Aba'y kinse anyos palang nag-ttrabaho na ang batang 'yon! Kita mo nga naman." Panimula niya. "Kwento sa 'kin ni Annalyn ay si Lucian daw ang kasa-kasama niya tuwing magtitinda ng mga kakanin sa palengke. Minsan pa nga raw ay nakipag habulan ang batang 'yon sa mga pulis para lang hindi makuha ang mga paninda niya!" Humahagikgik na kwento sa 'kin ni Inang Nora.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon