Vega and Altair

51 1 0
                                    

"EPILOGUE"

***

"Liez, bilisan mo naman diyan!" Hiyaw ko dahil napakabagal niya kumilos.

Tatlong araw na noong naka-uwi kami dito sa Pilipinas. Sinadya kong hindi tawagan si Jin ng ilang araw at hindi ako gaanong nagparamdam noong mga nakaraang linggo para dito.

"Excited yarn?" Nakangisi siya sabay hampas sa braso ko. "H'wag ka mag-alala makikita mo rin ang boyfriend mo mamaya!" Kinikilig pa niyang sabi.

"Baka hindi ko siya makita kapag nagpakabagal ka diyan!" Kinurot ko siya kaya lumayo agad.

"Ian, may itatanong pala ako." Sumeryoso siya bigla noong maupo sa gilid ng kama.

"Ohhh bakit?" Sumeryoso ako.

"Nadiligan ka na ba ni Jin?" Seryoso niyang tanong.

[Ano raw?!]

Nag-init agad ang mukha ko dahil sa tanong niya kaya tumigil ako sa pag-iimpake at hinabol siya hanggang sa sala.

"Baliw ka na talagang babae ka. Noong isang araw ka pa ah!" Pikon na pikon na ako sa kaniya. Mula noong isang linggo pa siya ganiyan sa 'kin.

"H'wag mong sabihing hindi pa?!" Gulat na gulat siyang nakatingin sa 'kin. Parang hindi makapaniwala.

"N-natural hindi pa?! Baliw!" Tumalikod ako agad at bumalik sa kwarto para tapusin ang pag-aayos. Sumunod naman siya ulit.

"Oh hindi pa kayo tapos?" Tanong ni Esteban.

Si Esteban ang kasabwat namin na nakikibalita kila Nanay para sa plano sa birthday ni Martin. Sa kaniya rin bahay 'to.

"Tapos na." Sagot ko naman.

"Wait lang naman!" Hiyaw ni Liezl. "Excited kayong dalawa noh? Baka naman kayo talaga ang mag-shota?!" Reklamo niya sa 'min.

"Hindi ah! Mahal na mahal kita!" Lumapit si Esteban kay Liezl at yumakap.

Tumingin bigla si Liezl sa 'kin sabay haplos sa balikat ni Esteban. Tumirik pa ang mata ng gaga. Baliw!

"Mainggit ka, Ian!" Todo kapit siya sa braso ng boyfriend niya.

"Iwww." Umirap lang ako.

"Pero seryoso galingan mo mamayang gabi ah!" Tudyo niya ulit sa 'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa naman ng malakas si Esteban at pinagtulungan ako.

"Hindi naman 'yon ang surprise ko sa kaniya. Baliw!" Inis ko nang sabi.

Matapos ang asaran namin ay pumunta na kami ng airport. Umaga palang ngayon kaya hindi ganoon kainit.

Sandali lang naman kami naghintay sa airport dahil 10 minutes early lang kami sa flight. Noong dumating naman kami sa Palawan sumakay lang kami sandali sa isang van para ihatid kami sa port para makasakay ng bangkang magdadala sa 'min sa exclusive resort kung saan pagdadausan ang birthday ni Martin.

"Iba rin talaga boyfriend mo, Ian!" Komento ni Liezl noong makarating kami sa resort. "Jusko ang mahal dito sa bwisit na resort na 'to! Isang buwan kong sagod yata ang mauubos." Litanya niya kaya humawak kuno ako sa dibdib ko.

"Ay hindi ka ba nagpa-libre?" Nagtataka kuno ako kaya pinaghahampas niya ako.

"Kayong dalawa ang gulo gulo niyo! Tanghali na gutom na ako saan ba kakain?!" Inis na sabi sa 'min ni Esteban.

"Selos 'yan saiyo, Ian." Umirap si Liezl at umiling-iling.

Natawa nalang ako dahil lagi namang ganyan ang reaksiyon ng iba kapag nakikita kami ni Liezl na magkasama. Iniisip nila agad na may something sa 'min. Kaloka ng slight.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon