CHAPTER 16: Our first date

57 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

-Enjoy!

Lucian's POV

Simula talaga kanina hindi ko maiwasang hindi mainis sa Jin na 'to! He seems very happy annoying me all day.

Kumakain lang kami pero kung makatitig siya parang mawawala ako kapag kumurap! Pakiramdam ko tuloy may dumi sa mukha ko. Nakakahiya!

Ewan ko ba! Hindi ako masanaysanay sa mga ginagawa niya samantalang tatlong buwan na siyang ganiyan sa 'kin. Pero siyempre hindi naman ako bato para hindi makaramdam ng kilig.

Nitong nakaraang tatlong buwan kasi kung ano anong ginagawa niya. Parang wala siyang kapaguran. Araw araw nalang may kung ano ano siyang ginagawa.

Tuwing pupunta naman siya dito ay pinahihirapan ko siya pero walang epekto! Kahit pagsibakin ko siya ng kahoy, pag-igibin ng tubig, gawing tagapunas ng lamesa, tagalaba ng basahan at taga-serve ng orders. Wala! As in wala! Magtatanong pa siya kung meron pa raw ba.

Pinahihirapan ko siya dahil gusto kong makita kung seryoso ba talaga siya. Hindi naman siya tumigil o nagreklamo. Kaya naisip ko na seryoso nga talaga siya dahil sa mga ipinakikita niya.

Kung tutuusin ay walang magiging problema dahil gustong gusto siya nila Nanay. Sila pa nga mismo ang nagsasabing sagutin ko na si Jin at h'wag ng pahirapan. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang gusto ko pa siyang subukan. Siguro dahil siya palang ang unang nanligaw sa 'kin.

Hindi ko na natiis kaya't pinuna ko na ang pagtitig niya. "Pwede ba tigilan mo 'yang katititig mo sa 'kin?" Ani ko.

"I feel like it's impossible for you not to hate me." He stated. Something hits me seeing a bitter smile and sadness in his face. "Hindi ba ako gwapo at kaakit-akit sa paningin mo?" Napanganga ako nang may umukit na ngisi sa labi niya sabay kunot noo.

"Bwisit ka talaga!" Iyon nalang ang sinabi ko at tumayo na at naglakad papunta sa kusina. Narinig ko ang tawanan nila ng mga kapatid ko.

Nitong mga nakaraang linggo may napapansin ako sa sarili ko. Parang masiyado na akong nag-aalala sa kung anong nararamdaman niya o mararamdaman niya. I mean, may pakialam naman ako sa kaniya noon kahit papaano pero ngayon kasi parang nalulungkot na rin ako sa tuwing makikita siyang ganoon. Nawiwirduhan na tuloy ako sa sarili ko. Nahihirapan kasi yata akong aminin na gusto ko na rin siya.

"Ano nanaman ba?" I asked when I feel him behind my back. "Lay---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang putulin niya ang sinasabi ko sa pamamagitan ng halik.

Mabilis lang ang pangyari kaya walang nakapansin. Tumingin-tingin pa siya sa paligid para makasigurado. Pagtingin nito sa 'kin ay biglang umukit ang mapanudyong ngisi.

"Sorry nadulas ako. Mabuti nalang sinalo ako ng labi mo." Pagdadahilan niya habang nakatitig sa mga labi ko.

Napaiwas ako ng tingin nang mapunta sa mga mata ko ang titig niya. "L-lumabas ka na nga diyan! I-igiban mo 'yon!" Sinubukan kong itago ang aking kaba habang nakatingin sa kaniya.

Tumawa lang ito ng malakas saka umiling-iling. "Masiyado kang kinilig. Magpahinga ka muna." Puna niya sa 'kin kaya inis kong kinuha ang sandok sa tabi ko. Tumakbo naman agad siya palabas ng karinderya. "Pulang-pula ka, bebigirl!" Sigaw nito mula sa labas. Napatingin tuloy ang ibang customer si Nanay.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon