CHAPTER 5: Tutorial with him

53 2 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

–Enjoy!

Lucian's POV

Tatlong linggo na ang lumipas pero hindi pa rin pumapasok si Liezl. Ang huling balita ko nang pumunta ako mas nagiging maayos na raw si Tito. Actually ano mang araw mula ngayon, pwede na raw siyang magising.

At least ngayon kahit papaano mababawasan na ang iniisip ni Liezl. Mukha pa rin naman siyang pagod at walang tulog nang huli kong bisita pero mapapansin mo agad ang maaliwalas niyang aura.

"Mr. Lucian, tawag na po tayo ni Daddy," Tawag sa 'kin ni Martin. Nawala naman ang iniisip ko at tumingin sa kaniya.

"Let's go?" Jin Andrix asked to his son. "Bilisan mo na diyan, Mr. Lucian." Kinuha ko naman ang ilang libro ko at sumunod sa kanila.

Nasanay na akong 'Mr. Lucian' ang tawag niya sa 'kin. Minsan tatawagin niya akong 'Lucian' lang pero mas madalas na formal siyang magsalita.

Gaya ng dati, sa shotgun seat ako at sa back seat naman si Martin. Seryoso naman si Jin Andrix nang paandarin niya ang sasakyan.

"Are you going to tutor Martin this weekend?" Like the typical days, mautoridad siya tuwing magsasalita.

Lumingon naman ako sa kaniya dahil nasa labas ang tingin ko. "Monday to Friday lang ang usapan. Kaya wala ako bukas at sa Sunday."  Sagot ko. Nasa usapan kasi namin na bakanteng araw ko ang Sabado at Linggo.

"Eh sino po ang mag-ttutor sa 'kin, Mr. Lucian?" Tanong ni Martin mula sa back seat.

"Ituturo ko nalang sa Daddy Jin Andrix mo ang ilang topics." Liningon ko siya sa back seat. "Tutal mukhang wala namang trabaho ang Daddy mo tuwing weekend." Dugtong ko. Sumama naman ang tingin sa 'kin ni Jin Andrix.

Nasanay na ako sa ganitong set-up. Halos mag-iisang buwan na rin naman kasi ako sa tutorial na ito. Nasanay na rin ako sa mood swing ng lalaking 'to, maging sa kakulitan ng studyante ko.

Jin na rin ang tawag ko sa kaniya tutal siya naman ang may sabing 'yon ang itawag ko. Habang siya depende sa mood niya kung ano ang itatawag niya sa 'kin.

"Trabaho mo ang turuan si Martin. Kaya bakit ako ang gagawa noon?!" Asik niya na para bang hindi ko siya katabi. Ang lakas ng boses niya.

"Limang araw lang ang sakop ng trabaho ko. Kaya hindi kasama ang pahinga ko bukas at sa Sunday." Pigil ang inis ko dahil sinusumpong nanaman siya ng mautusin niya. "Isa pa, may pamilya akong dapat uwian tuwing weekend!" I added.

"May pamilya ka na?!" Gulat na gulat siya. "Asawa mo 'yong babaeng palagi mong kasama pati pag-uwi?!" Sunod sunod niyang tanong.

Naiirita talaga ako tuwing ganiyan ang mood niya. Umirap nalang ako.

"May Nanay at mga kapatid ako, Okay?" Halos pikon na pikon kong sagot sa kanya. "Tsaka anong asawang pinagsasabi mo? Best friend ko si Liezl. Hindi aswa." [Akala ko pa naman noong una matino 'to! Baliw pala. Tss!]

Napansin ko lang sa rearview mirror na ngumisi ang mag-ama kaya umirap nalang ako at sa labas tumingin. [Nakakapikon talaga minsan itong mag-ama! Pakiramdam ko pinagtatawanan nila ako na sila lang ang nagkakaintindihan!]

***

Pagdating namin sa bahay nila naabutan namin si Inang Nora na naghahanda para sa dinner. Itinabi ko naman ang bag ko at ilang libro at tinulungan siya sa paghahanda.

"Ikaw talaga, Mr. Lucian." Ngumiwi nalang si Inang Nora nang kunin ko sa kaniya ang mga plato. "Trabaho ko ito baka magalit nanaman si Jin." Bumuntong hininga pa siya.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon