CHAPTER 24: Dream v.s Love

52 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

Enjoy!

Lucian's POV

"Anak, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Nanay pagpasok pa lang.

Tumango ako at inayos ang kumot ni Christian at Nigel. "Sunod po ako." Tumango lang ito sa 'kin bago lumabas.

***

"Tungkol po saan, Nay?" Tanong ko agad kay Nanay nang puntahan ko siya sa harap ng gate. Iginiya ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong din niya.

"Maayos naman po. Ano pong gusto niyong pag-usapan?" Bahagya akong ngumiti saka dumungaw sa kaniya. "Alam ko pong may iba pa" Saad ko kaya umiling-iling nalang ito saka ngumiti rin gaya ko.

"Sa susunod na linggo na *yon hindi ba?" Punto ni Nanay. Napaisip naman ako dahil doon. "Kaya mo ba? Baka kung mapano ka roon." Alalang ani Nanay.

Bumuntong-hininga naman muna ako bago sumagod. "Kaya ko naman na po, Nay. Pero kung gusto niyo pwede naman akong hindi tumuloy." Saad ko rito saka yumakap. "Isa pa, baka ma-miss ko kayo ng sobra kapag umalis ako."

"Ayaw kong umalis ka, Anak. Syempre malalayo ka sa 'min ng mga kapatid mo. Isa pa, nag-aalala rin ako sa lagay mo." Pag-amin ni Nanay saka humarap ng maayos sa 'kin. "Pero syempre hindi naman pwedeng ganoon palagi. Paano ka naman? Paano 'yong pangarap mo?" Ani ni Nanay.

"Ano pong gagawin ko, Nay?" Tanong ko na lang sa kaniya.

"Ituloy mo na 'yan." Ngumiti si Nanay saka hinagod ang buhok ko. "Sayang naman kung hindi matutupad ang pangarap mo. Siguradong ayaw 'yon ng Tatay at Kapatid mo." Biro pa ni Nanay.

"Salamat po, Nay." Yumakap ako ng sobrang higpit kay Nanay dahil sa sobrang saya.

Kahit naman ako ay ayaw ko silang iwan dito at ayaw ko ring malayo sa kanila. Pero hindi lang naman kasi ito basta bastang pangarap na gusto ko lang matupad. Pangarap ko ito dahil kasama ko ang kapatid ko noong mabuo ang pangarap ko.

'Yong kapatid kong nag-sakripisyo para matupad ko pa ang mga pangarap at gusto ko pang gawin.

"Teacher Lucian!" Dinig kong tawag ni Martin pagbaba pa lamang ng kotse.

Tumatakbo itong lumapit sa 'kin at yumakap. "Kumusta ang school mo?" Binuhat ko agad ito at pinaghahalikan sa pisngi at leeg.

"Ayos po, Teacher Lucian. Kaso po wala po kayo kanina kaya wala pong nagturo sa 'kin." Kwento na nito kaya nasabay na ako sa katatango nito habang nagsasalita.

"Bebigirl." Ngiting ngiti na lumapit sa 'kin si Jin at saka humalik.

"Ehem!" Si Nanay. "Tingin ko may kailangan kayong pag-usapan, Anak." Ani ni Nanay bago bumaling kay Jin.

"Tungkol po saan, Tita?" Tanong naman ni Jin saka tumingin sa 'kin.

"Tara na sa loob, Martin? Mag-uusap pa ang Daddy at Teacher Lucian mo." Sa halip ay kinuha sa 'kin ni Nanay si Martin.

Tumingin pa muna sa 'kin si Nanay bago tuluyang pumasok sa loob.

"What is it? Kinakabahan ako." Halata ngang sabi nito kaya nabungisngis ako ng kaunti.

"I'm in good shape, okay?" Sabi ko kaya tumango-tango ito saka yumakap bigla sa 'kin. "Umayos ka nga!" Anghil ko rito pero mas lalo lang niya isiniksik ang mukha niya sa balikat ko.

"Kung ano ano kasing nangyayari saiyo kaya hindi ko maiwasang matakot." Aniya at hinigpitan ang yakap. "Lagi mo akong tinatakot."

Isa ito sa mga napansin ko sa kaniya. Habang tumatagal nagiging clingy siya at isip bata lalo na kapag kaming dalawa na lang.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon