CHAPTER 22: Forgiveness

49 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

–Enjoy!

Lucian's POV

"Sigurado ka bang kaya mo na?" Alala pa ring tanong ni Nanay. Mula pa kanina sa bahay hindi na talaga siya mapakali. "Pwede naman kahit sa susunod na buwan ka na pumasok eh." Halos pakiusap na ni Nanay.

"Okay lang po ako. Kaya ko na po. Tsaka baka lalo akong magkasakit kung parati ako sa bahay." Pakiusap ko sa kaniya. Alam ko mag-aalala pa rin si Nanay pero hindi naman pwedeng huminto na ang buhay ko.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko?" Buntong hininga ni Nanay. "Oh basta mag-iingat ka. H'wag magpagod." Bilin ni Nanay bago ako pagbuksan ni Jin ng pinto.

"Tara na, Martin." Hinawakan ko ang kamay niya at nauna akong bumaba.

"Kaya mo na ba talaga?" Jin asked.

"Nahahawa ka na kay Nanay ah!" Biro ko sa kaniya. Sumeryoso naman ito bigla kaya umayos nalang din ako. "Oo na." Paniniguro ko bago abutin ang bag ko sa kaniya.

He mocked what I said. Napakasungit talaga nito mula noong sabihin kong magtuturo na ulit ako! Ayaw niya yata sa mga teachers eh. "Kapag may masama nanamang nangyari saiyo papatayin mo nanaman ako sa pag-aalala!" Dagdag pa niya.

"Ang arte-arte mo naman! Hindi ka naman namatay ah!" Muntik ko na siyang mahampas sa librong hawak ko pero agad siyang nakailag.

"Dapat pala namatay ako. Ganoon?" Inis niyang sambit saka ginulo ang buhok niya. Pikon talaga 'to kahit kailan. "Napak---"

"Sige na papasok na ako." Usal ko matapos siyang halikan ng mabilis sa labi.

Tumingin siya sa 'kin saka ngumiti. "Take care. I'll pick you up later." Aniya saka naglakad papunta sa kotse habang kumakaway.

"Teacher Lucian, pasok na po tayo?" Napabaling ako kay Martin na hawak hawak ko pa rin pala hanggang ngayon.

"Ah O-oo." Agad akong naglakad papasok ng gate kasabay niya.

Hindi pa man kami nakalalayo ay narinig ko na agad ang boses ni Liezl na tumatawag sa 'kin. "Ian!!!" Patakbong sigaw nito. Kasama niya si Esteban. "Na-miss kitang makita dito!" Hahampas sana siya sa braso ko gaya ng nakasanayan niya pero agad na humarang si Martin.

"Isusumbong ka niyan sa Daddy niya, sige ka." Biro ko dito. Ngumuso nalang siya at yumakap.

"Mana nga talaga 'yang batang 'yan sa Daddy niya. Ang OA! !" Aniya saka pinisil ang pisngi ni Martin.

"Lucian, welcome back! Na-miss ka namin dito." Sambit naman ni Esteban kaya ngumiti rin ako sa kaniya.

"Thank you." Sambit ko. "Talaga? Na-miss niyo ako?"

"Oo naman! Tara pasok na tayo." Aya niya sa 'min.

Sabay sabay kaming pumasok. Pagpasok ko ay nagulat ang karamihan sa mga co-teachers ko maliban sa mga kasundo na talaga namin ni Liezl at Esteban na alam kong nasabihan na nila.

"Hoy vakla kaaa! Welcome back." Gulat akong napalingon kay Grace nang pasigaw siyang magsalita sa likuran ko. May dala pa siyang cake. "Na-miss kita bwisit ka!" Naiiyak nitong sambit kaya natawa kaming lahat sa kaniya.

"Talaga na-miss mo ako?" Pang-aasar ko sa kaniya. Tumango naman ito saka inabot kay Esteban ang cake na hawak niya bago yumakap sa 'kin.

"Oo noh! Akala ko talaga mamamatay ka ng hindi ako nakakapag sorry." Anghil niya at humiwalay sa 'kin.

"Tama na nga 'yan! Nagseselos na ako." Awat sa 'min ni Liezl na nakanguso. "Ako 'yong best friend eh!" Aniya saka kumapit sa braso ko.

"Pwes hindi na ngayon!" Sagot ni Grace saka kumapit din sa kabilang braso ko.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon