CHAPTER 20: A brother's love

50 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

-Enjoy!

Lucian's POV

"Kuya! Kuya!" Kahit nakapikit ay rinig ko ang boses na tumatawag sa 'kin. "Kuya, tumayo ka na diyan!" Binuksan ko ang mga mata ko matapos akong hilain patayo ni Miguel. Kahit kailan talaga!

"Bakit tayo nandito? Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kaniya matapos kong sipatin ang buong paligid.

Kung hindi ako nagkakamali ito 'yong burol kung saan kami naglalaro dati tuwing sasakahin ni Tatay ang mga pananim niya.

Kitang kita mula rito ang buong lugar namin dahil mataas na lugar ito. Madalas kaming nandito noon ni Miguel para maglaro at samahan si Tatay sa pagtatanim niya. kaming dalawa palang kasi noon ang anak nila Nanay at Tatay. Limang taon kasi ang agwat ni Miguel kay Christian tapos ganoon na rin ang agwat ni Christian kay Nigel.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit tayo nandito eh." Lumapit ito sa kinauupuan kong ugat ng puno at umupo rin.

"Huh?" Naguluhan ako sa sagot niya. Hindi niya rin alam?

"Basta nagising nalang ako sa sikat ng araw." Aniya saka tumingala sa langit.

Tumingin ako sa itaas kung saan siya nakatingin. "Ang ganda ng araw ngayon." Pagsasalita ko.

Inabot din ng ilang saglit bago niya ako pinansin. Seryoso lang akong liningon nito. "Kuya, may tanong pala ako." Ngumiti ito pagkatapos magsalita.

"Ohh?" Tumingin ako ulit sa kalangitan. Na-miss ko ring gawin ito.

"Masaya ka na ba sa naging buhay mo?" Tanong niya. Seryoso ito noong lingunin ko.

Hindi ko naiwasang ngumiti noong maisip kong binata na pala ang kapatid ko. Ang gwapo rin niya. Siguro maraming nagkakagusto dito.

"Bakit mo naman naitanong?" Kumunot ang noo ko.

"Wala naman. Naisip ko lang." Ngumiti ulit ito saka tumingala sa kalangitan.

"Masaya naman na ako." Sagot ko dahilan para lingunin niya ako. "Pero siyempre marami pa rin akong gustong gawin." Biglang lumawak ang pagkakangiti niya saka tumingala ulit.

"Mula rito sa baba napakaganda na ng kalangitan. Siguro mas maganda sa langit." Nangungusap ang mga mata niya noong lumingon sa 'kin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ano naman kung maganda?" Tumawa ako matapos itanong iyon.

"Naisip ko lang kasi na hindi naman pala ganoon kasama ang kamatayan kung diyan ka mapupunta." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ganito magsalita si Miguel pero pakiramdam ko ang lalim ng mga salitang binibitawan niya.

Ilang minuto ko siyang tinitigan habang nakatingin sa langit. Halo halo ang emosyon sa mukha niya ngayon kaya hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman niya. May lungkot kasi ang mga mata niya tapos may pag-aalala rin. Pero masasabi kong masaya rin siya.

"Dati takot na takot akong mamatay." Tumawa ito matapos sabihin iyon. Maski ako ay natawa sa sinabi niya. "Pero kalaunan naisip kong ang kamatayan ay senyales lang ng pagtatapos ng lahat ng hirap." Pagpapatuloy niya.

Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya pero may sakit akong nararamdaman. But at the same time masaya rin dahil alam kong may kagaanan ang loob niya ngayon. Parang wala siyang iniindang kahit anong hirap.

"Bakit ganyan kang magsalita, Miguel? May problema ba?" Tanong ko kahit mukha naman siyang masaya.

"Wala na akong problema. Tapos na lahat." Ngumiti ito sa 'kin saka tumayo.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon