CHAPTER 15: Courting him

56 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

–Enjoy!

Lucian's POV

After making a scene, nagpaalam siya kay Ms. Beth na isasama na akong lumabas. Noong una ako na mismo ang tumanggi kasi working hours pa. Hindi naman pwedeng bigla nalang akong umaalis kapag gusto ko o may nangyari. Hindi naman gold noh! Pero wala na rin naman akong nagawa noong pumayag na mismo ang principal namin. Kasama rin namin si Nanay tsaka ang mga kapatid ko.

Sa totoo lang ang awkward para sa 'kin na kasabay siya ngayon. Hindi pa rin kasi ako naka get over sa scene kanina. Tuwing may mga co-teachers kasing makakakita sa 'kin tutudyuin ako kay Jin.

Iilan nalang ang mga tao sa field dahil karamihan ay nag-kklase na. Papalabas na kami ng school galing sa principal's office dahil nga nagpaalam si Jin kay Ms. Beth.

Awkward na awkward ako ngayon dahil si Jin ang kasabay ko sa paglalakad habang si Nanay naman ang may hawak kay Martin. Nilalaro ito ni Nigel.

"Hey, are you okay?" Pagsasalita nito na tila nang-aasar. Hindi ko na lang siya pinansin. "Am I really so damn handsome that you can't even speak?" Aniya.

"Ang kapal ng mukha mo!" Asik ko sa kaniya saka naunang maglakad. "Napaka-kapal talaga ng mukha! Akala mo kung sinong gwapo!" Pabulong bulong pa ako habang naglalakad ng mabilis.

Sobrang dami ko pang nasasabi habang naglalakad pero natigilan din ako nang may maisip.

Padabog akong naglakad pabalik sa kaniya. "N-nasaan ang kotse m---" Iyon nalang ang nasabi ko nang lagpasan ako nito habang walang tigil sa pagtawa.

Nabaling ang aking tingin kina Nanay na ngayon ay umiiling habang ngingisi-ngisi naman si Miguel. Nanunudyo naman ang tatlo.

Sa hiya ko ay agad akong sumunod kay Jin kahit inis na inis ako. Napunta kami sa parking lot na malapit lang sa waiting shed ng school.

"Let me do it for you." He was about to open the door for me pero tinapik ko ang kamay niya.

"No thanks. I have my hands." Umirap ako bago pumasok. Ang arte ko sa totoo lang!

Mula dito sa loob ay kita ko kung paano niya ako tawanan kaya hindi ko tuloy mapigilang mapikon. Annoying!

Pagpasok nila Nanay ay agad na kaming umalis at pumunta sa restaurant na pagdadalhan sa 'min ni Jin. Tahimik ako buong biyahe kahit maingay ang mga kasama ko sa sasakyan. Hindi kasi ako mapakali sa tuwing mahuhuli ko ang Jin na itong nakatingin sa 'kin habang nakangiti.

Minsan ko nga siyang sinita na sa daan tumingin at h'wag sa 'kin pero tatawanan lang ako at ganoon din ang pamilya ko sa tuwing babaling ako sa rearview mirror.

Nakarating kami sa restaurant ng hindi nawawala sa mukha ko ang pagkainis. Napasinghap ako nang may biglang umakbay sa 'kin. "Ayos ka pa ba, kuya?" My brother Miguel asked. Kunot noo ito na parang natatawa.

"Hindi." Umirap ako.

"Gusto namin siya para saiyo, kuya." Aniya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Ay sandali lang pumulupot buhok mo sa paa ko. Ang haba eh." Asar pa niya sa 'kin kaya inambahan ko agad siya ng batok.

"Gusto namin siya para saiyo, kuya."

"Gusto namin siya para saiyo, kuya."

"Gusto namin siya para saiyo, kuya."

Noong ma-realize ko ang unang sinabi niya ay agad akong humabol ng tingin pero pareho na silang tumatawa ni Jin habang magka-akbay.

"A-abat!" Pumadyak ako dahil sa sobrang inis. "Kailan pa nagkasundo ang dalawang 'yon, Nay?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Nanay.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon